Chapter 6: Punishment

40 15 0
                                    

Elaina's POV:

So... Monday na! It means slave time! Maaga pa akong gumising sa mga kasama ko para makaligo at nag ayos ng mga gamit ko. Kagigising palang nila at si Francine ay kinukusot pa ang mata papasok sa cr. Halatang inaantok pa. Narinig ko pa kasi kagabi nung uminom ako ng tubig sa kusina na nanonood siya ng anime yata at sumisigaw pa.

"Ah... Francine?" Tawag ko sa kanya pagkatapos niyang makapagbihis.
"Hmm?"
"Alam mo ba kung nasan ang grade 10 building at ang room ng class A?" I asked.
"Oo naman. Class A sabi mo? Doon ang room namin ni Nat," she said and I told her na sasabay nalang ako sa kanya papunta doon. Naguluhan siya ma bakit pupunta ako doon.

"Bakit ka naman pupunta doon? Ang layo kaya non sa inyo," she said but I kept asking her if pwede.
"Please... Kailangan kasi eh. Basta sasabihin ko pagkatapos ng class natin sa hapon," I begged.
"O sige na nga," Francine said and sighed heavily.

Pagdating namin sa dining area ay agad akong umupo at kumuha ng pagkain. Nandoon naman ang mga boys so wala naman kaming hihintayin.
Habang kumakain ako ay hindi ako mapakali at tinitingnan ang oras sa phone ko.

Sa sobrang bilis kong kumain ay nabulunan pa ako. Kapag minamalas nga naman...

"Tubig!" Sigaw ko kasi hindi na ako makahinga at inuubo ubo pa.
Dali dali akong inabutan ni Carmen ng tubig sa baso at inisahang lagok ko lang yon.
"Hinay hinay lang ate," si Carmen.
"Oo nga. Kanina ka pa nagmamadali," dagdag ni Nicalene.

"May pupuntahan pa yan kasi sa grade 10 building. At classmate pa namin ni Nat," pang eechos ni Francine.
"Huh? Sino?" Tanong ni Nat na ngumunguya pa ng kanin.
"Oy baka may crush ka don ha! Bata mo pa Elaina," si Nat.

"Wala siyang crush don," si Erick.  "Demonyo ang pupuntahan niya sa grade 10," he added.

"Putek sino nga?!" Excited na sabi ni Francine.
"It's Zayne," Aiden suddenly spoke.
"What?! Crush mo si Zayne Raver Fuentes?! As in anak ng Principal?" Sigaw bigla ni Nicalene.
"Gaga hindi," pag deny ko kaagad sa kanya.
"Relative kaya namin yon," pagtatanggol ko sa sarili.

"Ay bwisit! 6:25 na! Bye! Pagkatapos kong ilagay sa lababo ang pinagkainan ko ay nagmadali akong umalis pero nagsalita ulit si Francine.
"Wait! Akala ko sasabay ka saamin ni Nat?" Si Francine.

"Saan banda ang building nyo? Babantayan ko nalang daw siya sa labas," I said.
"Doon! Malapit sa canteen. Ang color green na building," si Nat.
"Okay thanks!" I shouted and I skedaddled out of the building.

Ay sa wakas nandito na ako sa building nang grade 10. Umupo muna ako sa bench at nagpahinga. Wala pa naman siya. Tatawagin ko ba siya na kuya? Kasi mas matanda siya sa min eh. Nah... Wag nalang.

Habang nagbabasa ako ng notes sa notebook ko ay may biglang tumapik sa ulo ko.

"Dylan? Ano ang ginagawa mo dito–"
Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin at may binigay siya na mango juice.
"Wait! Sa akin ba to?" Tanong ko sa kanya pero umalis na ito papunta sa building nila. Bakit hindi ito namamansin? May ginawa ba akong masama?

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa pero may tumikhim bigla at pagtaas ko ng ulo ko ay nandoon na pala siya.

"Tapos ka na?" He asked while raising his brows.
"Yeah," I answered and he lent his backpack to me. Ay gagi ang bigat!

"Let's go," he said at nauna na siyang maglakad at nakasunod lang ako.
Medyo malayo ang room nila dahil nasa second floor pa ito at pinaka last pa.
Pagdating namin doon ay marami na ang nasa loob ng room nila.

Kukunin na sana ni Zayne ang bag niya sakin pero may nagsalita sa likod ko.

"Elaina? Bakit mo kasama si Zayne?" Tanong ni Nat na nakakunot ang noo.
"Uhh... Ano kasi–
"She's my slave. For a week. And that's her punishment for causing trouble," si Zayne.
"Anak nang– Pati si Elaina talaga Zayne? Ginawa mo na to noon kay Irish ah!" Galit na sabi ni Francine.

Sinclair Academy: School of Detectives Where stories live. Discover now