Chapter 3: Unconscious Araceli

44 19 0
                                    

Warning: violence/ harassment

Carmen's POV:

Habang papunta ako sa canteen kasama ang dalawa kong kaklase na sina Shania at Zaida ay may nakita kaming commotion. Ano ang nangyayari? We heard some of the students screaming for help and the others are running towards the clinic.

Nakita ko si Erick na hawak hawak ang collar ng isang lalaki. Classmate niya yata. Nakita ko ang galit sa mga mata niya. Don't tell me it's...
Bigla akong tumakbo papunta doon at sumunod din ang dalawa sa akin.
Shit! Si ate Elaina nga talaga. Dumudugo ang ulo niya at marami din siyang mga galos sa katawan.
I immediately went to the classroom of our leader to inform him.

"Kuya Aiden! Kuya Dylan! Tulungan niyo po kami..." Halos mapaiyak na ako sa nangyayari. "What's wrong?" Mahinahong tanong ni kuya Dylan.
" Si– Si ate Elaina po..."
Bigla silang tumayo at sumunod sa akin papunta sa canteen.
Nakita namin na nagkakagulo pa rin ang mga estudyante sa canteen. Nandoon din si Erick sa tabi ni ate Elaina. Pinipigilan niya ang pag-agos ng dugo sa ulo ni ate.
Mabuti lang hindi sa likod ng ulo niya ang tumama sa bato. Pero wala na siyang malay.

Lumapit ako sa kanya at nasa likod ko sina kuya Aiden at Dylan.
"Let's bring her to the clinic," I said.
"Bakit ngayon lang kayo?" Galit na pagkasabi ni Erick. Bakit sa amin siya nagagalit? Hindi naman kami gumawa nito ah.
"Tinawag mo ba kami? Para namang makapagsalita ka ay kasalanan namin ang nangyayari," Iritang sabi ko.
"Walang kuwenta," bulong niya pero narinig naming tatlo iyon. Napairap si kuya Aiden pero tumahimik nalang dahil ayaw na niyang makipag-away sa isang to.
Tinulungan nina kuya Dylan si Erick na buhatin si ate Elaina at dinala sa clinic.

Hindi pinapatawag sa principal's office ang mga estudyante na nag-aaway o nagkakasakitan gaya ng sabi ko kay ate but she didn't know the other rule. Once you hurt a member of HP Family badly, you will get a 1 month of suspension or worse, get expelled.

Naghintay kami sa labas ng clinic habang ginagamot pa si ate Elaina. Nagpaalam sina kuya Dylan na sasabihan sina ate Francine, Nicalene at kuya Nat kung ano ang nangyari.
Kaya naiwan kaming dalawa ni Erick na nakaupo sa bench labas ng clinic.

"Kamusta ka? Stress sa school?" Biglang tanong nito. Aba naman. Nagawa niya pa mag casual talk sa akin sa kabila ng masakit na salitang sinabi niya sa amin. Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa kawalan. Nagpakawala siya ng buntong hininga at nagsalita ulit.
"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
Hindi ko pa rin siya pinansin kaya tinapik tapik niya ang balikat at napalingon ako sa kanya at napangiti naman siya. Para talaga itong bata kapag ako ang kaharap niya kahit na mas matanda siya sa akin.

"Ano ba ang gusto mo? Hah? Kanina ka pa," I said at napanguso naman siya.
"Na kausapin mo ako..."
Asa ka! Ayoko... Pagkatapos mo yon sabihin tapos magmamakaawa ka sa akin na kausapin kita? Ang galing naman ah... Minsan nag mo-mood swing ito eh kaya hindi mo talaga maintindihan.
Kanino ko nalaman? Siyempre sa kapatid niya.

Palagi kasing nagrereklamo si ate Elaina na nakakainis daw ang kapatid niya at totoo nga! Hays...
Nagtatampo ako dahil crush ko pa naman to noong first day pero na wala na! Dahil sa ugali nito. Mabilis kasing mawala ang pagka-crush ko sa tao kung malaman ko na hindi pala maganda ang ugali nito.
Shit! Naiinis na ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag tapik tapik ng balikat ko.
"Kapag hindi ka pa tumigil Erick ay masasapak talaga kita," pagbabanta ko.
"You know? I noticed that I'm the only one na hindi mo tinatawag na kuya. Mas matanda ako sa yo tandaan mo yan," he said while pointing his finger at my head.

"Okay po... Ku.ya. E.rick." madramang sabi ko at tumayo na ako dahil nakita ko na sina ate Francine.
"Nandito na pala kayo ate," sabi ko.
" Yes, we heard what happened to Elaina. Is she okay?" Tanong ni ate Nicalene.
" Yes po. Nagamot naman po siya pero still unconscious pa rin," I said and na pa nodd na lang sila.
" Uhh... Mauna na po ako baka magsisimula na ang class at tapos na ang break," pagpapaalam ko pero pinigilan nila ako.

Sinclair Academy: School of Detectives Where stories live. Discover now