Chapter 10: Lost a friend

34 14 0
                                    

Elaina's POV:

Natuloy pa din ang quiz bee kahit may nangyaring trahedya noong Friday. Ang ibang estudyante kahit na injured ay tinuloy pa rin ang pag join sa contest. Walang magawa si tito dahil ginusto namin ito. Pero paalala niya lang na mag-ingat at magmasid kung may kakaibang kilos ang mga tao sa loob ng academy.

Hinigpitan na din ang security para wala ng students na masaktan. Anim ang patay, dalawa ang kritikal ang lagay at dalawampu naman ang sugatan.

Nakakalungkot lang na nadamay si Danica sa trahedya at kritikal ngayon. May tama siya ng bala sa balikat at tiyan. Namumutla na din siya. Nang tumakas kami sa gym ni Hannah pero hindi namin mahanap si Danica. Nahuli sila ng iba naming kaklase sa pag evacuate.
Nasa clinic pa rin siya. Noong Saturday at Sunday binibisita namin ito. Tinutulungan din namin ni Hannah na makakain siya dahil hindi niya kayang gumalaw mag-isa.

Ngayong Tuesday na, July 14,2024 ang pang last day ng quiz bee. Kahapon ang amin at nakalaban ko pa si Nat. Medyo nahirapan ako sa kanya. Kung mabilis akong sumagot, mas mabilis siya. Three points ahead na siya at kaming dalawa nalang ang natitira for 1st place. Nang makuha ko ang tamang sagot sa 5 points question ay nanalo akong first place at siya second.

Natapos na din ang kina Erick. I also heard that Dylan and him are in the same subject. Which is AP or History.
Boring! Hindi ko kailan man nagustuhan yan. Pero kailangan pag-aralan para sa grades.

"Oh? Ba't ka nakasimangot?" Tanong ko kay Erick nang lumapit siya sa puwesto ko habang nanonood ng Science quiz bee na sinalihan ni Carmen at Aiden.
"Third place..." Walang buhay na saad niya.
"Eh anong masama diyan? Congrats!" Pag comfort ko sa kanya.
He smiled a little before hugging me.
I hugged him back, naninibago pa rin sa mga inakto niya.
"Okay lang yan! Malaking achievement na kaya yan!" Pangungumbinse ko.
"Kung ikaw sa pwesto ko iiyak ka siguro," pang-aasar niya.

Pasimple ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.
"How dare you! Of course hindi ko hahayaang mangyari yon no!" Pagtataray ko.
He smiled playfully and ruffled my hair.
"Hoy ano ba! Kakaayos ko lang nito eh! Sinira mo pa," pinagalitan ko si Erick.
Tumabi siya sa akin at pinanood namin maglaban ang mga estudyante sa stage.
Hindi ko alam ang place ni Erick dahil sa sa conference hall sila sa likod ng Sahara Building.

May naisip akong itanong sa kanya kaya tinawag ko siya.
"Erick."
"Hmm?"
"Sino ang first at second place?" Tanong ko.
"I don't know the person who won the first place but the second is Dylan," he replied.
I nodded and focused my attention on the quiz bee.
"Erick last na lang," pahabol ko.
"Ano yon?"
"Crush mo ba si Carmen?" Nakangising tanong ko.
He was taken aback when I asked that. I saw his cheeks turned red at umiwas ng tingin.

"Hoy ano na? Sagot," pangungulit ko.
Huminga siya ng malalim bago umiling.
"Hindi," tipid niyang sagot.
"Weh?"
"Oo nga hindi. Bakit mo tinatanong?" May halong inis na saad niya.
"Wala lang," dismayado kong sagot sa k
kanya.

Sino ba hindi mag-aassume na crush niya yung tao eh palagi silang magkasama at palaging nag-aasaran at nag-aaway. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love! Hindi ba ganoon sa kanila? Bahala na nga... Bakit ko ba sila sini-ship eh kung ako nga ginaganyan nandidiri din ako!

Natapos ang quiz bee ng Science at nakita kong dismayado ang mukha ni Carmen. Lumapit siya kung saan kami nakatayo pero hindi niya pinansin ang kambal ko na kanina pa nakatingin sa kanya.

"Ate..." Tawag niya sa akin. Nakita ko din na maluha-luha na ang mata niya.
"Natalo po ako... Isa nalang sana... Makukuha ko na ang third place. Kahit yon na lang sana..." Tuluyan ng tumulo ang luha sa mata ni Carmen. I immediately hugged her and tapped her back. She tried her best to stifle her sobs pero dahil sobrang lungkot niya, hindi niya na mapigilan.

Sinclair Academy: School of Detectives Where stories live. Discover now