Chapter 14: 1st Case-Interconnected Intrigues

18 3 0
                                    

Erick's POV:

After 2 days of staying in the Cepeda's mansion, the culprit finally got arrested.

We call an ambulance because my sister is badly injured.
Hindi namin alam na may lason pala ang kutsilyong sinaksak sa binti niya.

Sasama pa sana ako sa hospital pero nag volunteer na sina Celestina at Luis.
Kaya nandito ako ngayon sa police station kasama ang lima.

I'm so hungry at this time but I stayed quiet because we need to listen to the culprit's confession.
Sino ba hindi magugutom? Eh 9:00 pm na!

At salamat pinaupo na si Tiana para simulan ang pagsalaysay ng side story niya.
...pero kasama din pala si Stephanie. Ang accomplice niya na nagbigay ng riddles sa akin.
Hindi na kami nahirapan alamin kung sino ang accomplice dahil siya na din mismo ang umamin sa mga police.
Na guilty siguro.

Kahit hindi pa siya umamin na kasabwat siya ni Tiana ay malalaman pa rin namin dahil sa naiwang fingerprint niya sa table ni ma'am Desiree.

"So Mrs. Cepeda, pwede mo bang isalaysay kung paano at bakit niyo iyon ginawa?" Tanong ng police sa kanya.
Hindi pa rin siya kumikibo kaya nagsalita ulit ang police. "It's better to confess everything Mrs.Cepeda. Nahuli ka na kaya wala ka nang ibang magagawa kundi umamin. Pati na rin ikaw Ms. Rosario."

"Fine..." She heaved a sigh before saying all the things she did.

"Inutusan ko na pumasok sa office ni Desiree si Stephanie. Madaling nakapasok ang batang ito dahil binigyan siya ng susi ni Desiree dahil minsan inuutusan nitong kuhanin ang mga kailangan na papeles o gamit," she started.

"Hindi man lang ako nakonsensiya nang ginawa ko iyon. Na tinatraydor ko na ang taong walang ginawa kundi maging mabuti at matulungin sa akin. Nabulag ako sa pera na matatanggap kay tita Tiana," biglang nagsalita si Stephanie.

"Nang makapasok ako sa office ay pinindot ko ang password sa safe. Alam ko ito dahil nakita ko na pinindot ni tita Desiree ang mga numbers na iyon. Nakalagay ang documents at down payment doon dahil iyon ang sabi ni lolo," ani Stephanie.

"Nang marinig ko ang sasakyan ni tita Desiree sa labas, dali-dali kong kinuha ang dokumento at pera at nilagay sa bag ko. Sinira ko ang bintana dahil naka lock iyon. Hindi naman ako pwedeng dumaan sa pintuan dahil siguradong makikita ako ni tita. Nang mabuksan ang bintana, aalis na sana ako pero may putik na dumikit sa hinlalaki ko. Dahil wala akong makitang pampahid, pinahid ko ito sa table at..." Sabi niya.

"At hindi mo namalayan na nag marka ang fingerprint mo doon," pagpatuloy ni Joseph na nasa tabi ko lang.

Right... Why would she wipe her thumb in the table with mud? Of course it will leave a fingerprint.
Tsk. Careless.
Mabuti lang nga nahuli na namin sila.
At makakabalik na kami sa academy.

And Tiana started to speak again.

"She gave me the documents and money, I was happy when I received it.
She felt guilty because of what she did so I gave her 5,000 pesos to shut her mouth.
I photocopied the documents para mauto ang makakita nito at hindi na hahanapin ang original. I secretly went to Jasmine's storage room and to the basement so I can put the fake documents," pahiwatig ni Tiana.

"As for the money, I had a friend that makes fake money. I put it back to the envelope and sealed it back," dagdag niya.

Ang pinagtataka ko, bakit sa storage room ni Ms. Jasmine niya nilagay 'yon?

"Bakit sa lahat ng tao ay sa kay Ms. Jasmine Cora Cepeda na kuwarto mo nilagay 'yon?" Tanong ng police.

Kanina pa ako nandito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan niya. Kilala ko lang sina Detective Salcedo at Lazaro.

Sinclair Academy: School of Detectives Where stories live. Discover now