Chapter 15: Bella

21 4 0
                                    

Elaina's POV:

I woke up because of the noise beside me. It's shouting and cursing words. Ugh! Irritating!

I slowly opened my eyes but quickly closed it again because of the light.
Where the hell am I?
I opened it again and adjusted my eyesight so I can see things clearly.

"Ang bobo mo talaga Jav! Tangina," narinig ko naman ang pagmura ng taong nasa tabi ko.
"Diyan nga sabi gago–" I cut him off by throwing a pillow at his face.

"So noisy..." I mumbled before getting up. Umupo ako sa kama at sinandal ang likod ko sa headboard.

Nilingon ko kung sino yong binato ko kasi hindi klaro kanina. I'm sleepy pa kaya!
Tapos nang-iistorbo lang to.

Ay, si Luis pala. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Kinaway-kaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya dahil nakatulala lang siya.
Bakit ganoon ang reaksiyon niya?
At bakit hindi ako sa dorm natutulog?

"G-gising ka na?" Hindi makapaniwalang wika niya. "Gising ka na nga!"

Huh? Syempre gising talaga ako. Ano ako na comatose?
Pero wait lang nga... Nasa clinic ba ako?
Luminga-linga ako sa paligid at lahat ng nakita ko ay puti. Nasa clinic nga siguro ako.

"You're in the clinic. Naalala mo pa ba kung anong nangyari sayo?" Tanong niya.
Napaisip ako ng matagal hanggang sa maalala kung ano ang nangyari.

Yes we solved a case about the stolen property documents of the Cepeda family. And then I got stabbed on the leg at may lason yong knife. And then... And then what?

"Dineretso ka namin sa hospital para maagapan at makuha lahat ng lason sa katawan mo. Tapos umuwi na tayo at dinala ka naman dito sa clinic para ipagpatuloy ang treatment mo," paliwanag ni Luis.

"Pero... Nakulong na ba si Tiana?" I asked.
Tumango naman siya. But the shocking part was she isn't the only one who got arrested.
Kasama din pala si Rhian dahil siya ang nagnakaw ng sampong milyon sa company ng mom ni Tiana.
Aish. Why did I missed it? Sayang...

"Ilang araw akong walang malay?" I asked.

"1 day and 20 hours. Malapit ng mag 2 days. And 5:00 pm na," he answered, still facing his phone. Addict talaga sa mobile games. Tsk.

"W-what?!" Napatuwid ako ng upo sa sinabi niya.

"So it means Tuesday na?! Hindi ako naka attend ng class for freaking two days?!" Tarantang sabi ko.
Gods. Hindi pwede to.

Nilagay niya sa side table ang cellphone niya bago humarap sa akin.
"Relax. Orientation lang naman noong Monday tapos announcement ng mga top 10 sa class. And walang klase kanina. Meeting ng lahat ng teachers sa academy. So 'wag kang mataranta diyan. Bukas pa ang regular class schedule natin," aniya.

Top 10? Paano ko malalaman kung wala ako no'ng Monday?

"How would I know if I was absent on that day?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"May nakapaskil sa labas ng room niyo. At nakita ko na din kung sino ang top 1 hehe," he said.
"Sino? Tell me!" I demanded.
Pero ang loko umiling-iling lang.

"Malalaman mo din bukas. Huwag masyadong excited," saad niya sabay tawa.

I scoffed at him and just stared at the ceiling.
Why I'm always irritated and mean when he's around? And also why the heck I'm comfortable with him?

Palagi akong tahimik kung sa iba. Nagsasalita lang ako kung kinakausap o tinatanong pero siya, ginagawa niya akong madaldal.

Kahit kay Hannah eh tahimik din ako.
Ay Dohee pala.

Sinclair Academy: School of Detectives Where stories live. Discover now