May 30 minutes yata na nakalipas bago ako, I mean, kami, nakapili nang ipangreregalo ko kay Traffy, so binilan ko siya ng Skinny Jeans, na pinagawayan pa talaga namin ni Nicko. Paano ba naman yata, mas marunong pa siyang pumili sa akin, mas may dating at, etc. tinutoran ako nang kung ano-ano about fashion, dinaig pa ang bakla? Grabe, may alam din naman ako sa fashion pero pagdating lang sa akin, self-centered kasi ako ehh. Face it.
Siya naman bumili ng sweater sa Comic Alley, at syempre hindi na ako naging sagabal at baka hampasin naman ako, ayoko namang nababara din hano, gusto ko ako lang lagi! Wahahahahaha. Pagkayari ng almost 1 hour na paglalakad namin since pagpasok ng mall, ay nagdecide na kaming magstop over sa food court. Wala na akong kibo dahil drain na drain na ako, so ibinagsak ko yung ulo ko sa table dahil ako'y nanlulumo na.
"Tara sa Timezone!!" pag-aaya niya sa akin, full of energy, may spare parts pa ba siya? Parang gusto kong hiramin. Edi syempre ako tumango nalang, pagbigyan ang mokong dahil part na ito ng parusa ko sa aking sarili. Self-proclaimed Guilty. Bigyan niyo ako ng Jacket. But no, hahampasin ko ito ng gusali makita niya!
Lalo pang nadagdagan ang guilt level ko nang kinuha niya sa akin yung dala-dala ko, akala ko nga nanakawin ehh, masashock na sana ako at sisigaw na sana ng "HELP! HELP!" kaso nag-isip pa muna ulit ako at ayun, nagpakagentleman lang pala, pwede bang samaan mo yung ugali mo kahit kaunti, yung slight lang nang mabawas-bawasan yung pagkakaguilty ko.
So pagkaapak na pagkaapak namin sa Timezone, nag-ayang magbasketball. As in! Wow!!! hindi ba niya halatang lantang lanta na ako at this moment of time? Ewan lang ha, pero pinagbigyan ko, ulit. Jusko. Napaaga yata ang mahal na araw ko, August pa lang mga kababayan. Kukurutin ko kili-kili niya gamit ang nailcutter makita niya!
Shoot here, shoot there, shoot everywhere, hala sige yung bola kung saan saan na napupunta, hindi na nashoot, in the end, below average ang score ko. But hey! Magaling akong magshoot hano! Marunong akong magbasketball! Pero pagod ako today kaya no, naloka kasi ako ever.
Nagpasalamat at sinumpa ko ang tadhana, bigay bawi effect. Naubos na kasi yung token, okay na sana, THANK YOU na eh! Kaso biglang bibili ulit, sakto namang nagring yung phone ko, which is a call from my Mum.
"Nak, umuwi ka naman na, inaantok na ako. Paglalock-an kita."
Err. Oh Em.
"Opo ma, pauwi na." and then end.
Tinignan naman ako ni Nicko na parang nadismaya, I mean madidismaya pa lang.
"Pinapauwi ka na?"
"Uhh, oo ehh, maaga kasing natutulog si nanay kaya laging dapat maaga sa bahay. Mahirap na baka patulugin ako nun sa labas." at nadismaya nga siya, aww, it's cute. Don't he ever try na magmakaawa at iiwan ko talaga siya! Pwede siyang magpuppy eyes and pouty lips pero nako, ayokong matulog sa labas kahit bati na kami. PERIOD.
"Tara na nga, sayang may ipapacheck pa naman ako sa'yo" sabi niya habang nagsimulang maglakad papalabas. I know that he's a basketball player and all, kung magaling siya sa shooting game, that's no surprise at all, something is definitely something, kaya hinabol ko ang tampurorot na tuta, anu ba ipapacheck nun? Wala akong red ballpen na dala. Err.
"Bakit naman? Ano ba sana gagawin mo?"
"Kakanta."
*jawdrop* Nakakaloka nga, kakanta siya? tapos magpapaimpress, baka maganda nga talaga ang boses? Pero singing? That reminds me of the activities fair tomorrow. False beaters and stuffs.
"Ohh, sorry about that."
"Oo, okay lang, may next time pa naman." napahinto siya at biglang nagliwanag ang mukha as in with that creepy wide smile show teeth expression. "Aha! Tama, manuod ka nalang sa audition ko sa isang araw, activities fair tomorrow right? Jojoin ako sa False Beaters eh."
BINABASA MO ANG
He's Out of my League (BoyxBoy)
Teen Fiction[BoyxBoy] "Nakakaloka, lagi nalang syang FC, hindi ako makapaniwala na nakuha niya ang loob ng mga classmates ko. Napakaconceited niya at ugh. He's very ridiculous, imagine, wala lang sakanya kung lagi ko syang pinaparinggan at sinisinghalan pero ug...