5. Hula Hoop!

416 6 2
                                    

Nicko's POV (finally)

Ginising ako ng sikat ng araw, ang liwanag siyett, malamang araw nga diba. Tinigann ko yung orasan ko at nakaindicate na 7:00AM na pala. 8:00 ang pasok ngayon so tumayo na ako. Grabe, nahihilo pa ako, bakit? Anu bang nangyari kagabi? Teka asa amin ako? Eh diba nakainom ako? Ang alam ko dapat nakila Truffles ako ah! Pero nasa amin ako, tapos, *sniff*  ang baho ko, eto pa din yung suot ko kagabi. Siguro, pero bakit kaya nakauwi ako? Naglakad ba akong mag-isa? O may naghatid sa akin?

Pawis na pawis ako pagkagising, bakit kaya? Ahh, tama, naaalala ko, binangungot nga pala ako, tss, isang masamang bangungot. Wala daw nakakarecognize sa akin, parang bigla daw nawala yung existence ko, si Phoebe, si Jamie, at si Traffy, maging si Archie, hindi na daw ako kilala. Hayys, pero panaginip lang yun, sure ako, pero ang sama talaga, sana wag dumating yung point of time na i-who you ako nila. Ang sakit kaya nun.

Kinurot kurot ko muna pisngi ko bago bumaba. Kumuha ako nang tuwalya at nagsimulang maglakad, pagbaba ko, narinig ko na may nagluluto. Si Kuya siguro..... pero teka, ang alam ko 3 days siyang wala ahh, tapos si Papa, si papa nasa ibang bansa. Si Mama, nasaan nga ba si Mama? Ehh ang alam ko nasa siyudad yun. To summarize it, ang alam ko, ako lang, pero bakit narinig ko na may nagluluto? May magnanakaw ba? I guess bad idea to think na may magnanakaw, na magluluto pa ng agahan.

So, I slowly peeked at the kitchen at tumambad sa akin ang figure ng isang napakapamilyar na tao. Familliar nga, hmm, I ignored it, pero kilala ko yan, nakaapron nga lang kasi ehh, saka nakatalikod, mamaya nalang, makaligo na muna at ngayon ay hilong hilo pa ako.

Pumasok na ako sa banyo, at binuksan agad ang shower, na isang malaking kalokohan, napakalamig! Ewan ko nalang kung hindi pa ako magising neto. Jusko, mabilis lang naman akong maligo, mga 8 minutes ganun, pagkatapos nung 8 minutes na paliligo, lumabas ako sa banyo at nagsimulang lumakad paakyat sa kwarto ko. Yeah! Ang bango ko na! Whicch reminds me na parang panaginip lang ang lahat, yung may nagluluto sa kusi-

AY PUTEK! MAY MAGNANAKAW BA?!!! Napakatanga ko talaga, nagmadali akong pumunta sa kusina. Eh wala naman ah. Kamot ulo tuloy. Baka panaginip nga. Iba pala talaga epekto ng alak sa katawan akin, para ding kagabi napanaginipan ko na binubuhat daw ako ni Archie paakyat sa kwarto ko, pero parang hindi naman.

"Good Morning." bati ng isang pamilyar na boses na nasa likod ko.

"Good Morning din." sabi ko, teka.......

Nilingon ko yung likod ko at nakita ko ang isang anghel na nakasuot ng civillian wear na may hawak na libro at naka-Vans na salamin. Teka! Si Archie yan ah!!!!

"Oh, para ka namang nakakita ng multo ayaw mo ba akong makita?" sabi nito sabay basa sa librong hawak niya at agad dumiretso sa salas. Na siyang sinundan ko naman.

"Teka-teka! Paanong??? Bakit???" nauutal ako siyettt.

"Magbihis ka muna, nagluto na nga pala ako, pasensya na at ako'y naging mapangahas." wait did he just blushed? Wow ha.

"Ah! Yun ba?! Okay lang!!! Salamat nga nagluto ka eh! Osige magbibihis na ako!" agad naman akong umakyat sa taas.  Humarap ako sa salamin, saka nanalamin, syempre alangan maligo ulit diba? Haha. Tinapik tapik ko yung pisngi ko, kinurot ko ulit. "ANDITO SI ARCHIE!! PINAGLUTO PA AKO! ANG SAYA SAYA KO!" walang alinlangan kong isinigaw yan, sa isip ko. Syempre maririnig niya eh.Tanga lang? Lels.

Agad na akong naghanap ng damit, teka, bakit ganito, nacoconscious ako, kailangan maging presentable ako sa harapan niya, napaparanoid nanaman ako? Krap. Naisuot ko ttuloy yung V-Neck kong black at nagfit ako na pants, presentable na ba ito? Nagsuot na din ako ng wristwatch.

Pagkababa ko andun pa din si Archie, maybe masamang panaginip nga lang talaga na makakalimutan niya ako. So ayun nilapitan ko siya.

"Kain na tayo." tumango lang ito at sumunod sa akin sa kusina. Bakit ang saya saya ko? Napapano ba ako? Alam ko lagi akong masaya pero parang iba ngayon eh, iba talaga.

He's Out of my League (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon