12. =____= Happy Halloween!!

330 8 4
                                    

[Archie]

Alright. It's the Happy Halloween Festival Today. Whole day party!!! Ano nga bang mga mangyayari ngayon? Where, here it is! Hanggang 11PM ang program at nagstart na siya kaninang 3PM, may mga booths, candy machine, spooky costumes, and, err, oh pageant. Kasali si Chester and Jamie sa pageant which is called, Mr. and Ms. Halloween! Guess why? Kasi mga mukhang sementeryo yung mga sumali kaya hindi ako nanuod, just kidding, pero hindi talaga ako nanunuod non, eh since supportive ang Phoebe at Traffy, de ayun gora ang mga loka sa gym, ako naman pagala-gala lang, mag-isa nanaman.

Oh did I mention, na dapat halos lahat ng nandito ay nakacostume, well, halos, ako hindi nagparticipate, ewan ko ba kung bakit ako super KJ ngayon. Hindi naman ako pinagtitinginan kasi subukan lang nila, at may mangyayaring hindi nila magugustuhan.

Saan na nga ba ako pupunta? Ah, right, tutulong nalang ako sa pagoofficiate ng scavenger hunt. Kung saan may mga spooky riddle na kailangan nilang hulaan ang item at hanapin yun by deciphering the clues, actually, that was my idea na ipinass sa student council. Malakas ata ang charisma ko.

Ano nga ba mangyayari sa mga naglalaro neto? Well, fame? Things, but siguro kaya maraming nagparticipate ay siguro dahil sa next activity ng school, may chance silang magpasok ng kung ano man na karumal-dumal na event ang maisip nila, name them pagkain ng basura, paglalakad sa bubog, pagcicrco sa apoy ang everything. :) I myself wanted to participate, but I am too lazy to join, kailangan ng partners and stuff. Pinuntahan ko nalang si Kuya Lee since siya yung lead official.

"Oh?! Bakit ka pa nandito!"

"P-po? Anong baki-?"

"Hinahanap ka pa kanina ng partner mo, binigay ko na sa kaniya yung listahan ng riddles, saan ka ba kasi nagsususuot?"

WHAT?!!! Nakalista pangalan ko?!!!

"Nakalista po ako?!!!!"

"Hindi mo ba alam?!!!"

"Sino po ba yung partner ko?!!!" malamang sa malamang yun ang may pakana ng lahat, that so-called partner.

"Yung sa kabilang club, nakalimutan ko pangalan, basta, nakikita ko kayong magkasama lagi, ayan na pala siya eh!"

Bago pa man ako mapalingon ay bigla nang may humawak sa kamay ko at hinila ako. Eh?!! Nang nilingon ko kung sino yun, nakita ko na may matangkad na lalake na nakabalot sa bandage, pagharap sa akin. Kyahhh!!! Mummy!!!

"Natakot ka ba sa akin?"

*nervepop*

Sinapok ko~ Aba! Loko-loko pala ito! Akala niya ha, mananakot pa! Ayan tuloy ang napala mo, ikaw kasi eh, hay nako, nice try.

"Bakit mo inilista yung pangalan ko nang walang pasabi?!!!"

"Di mo naman ikakamatay yun, saka wala ka namang gagawin kaya siguro naman okay lang?"

Ugh. Di na ako kikibo, I mean sanay na din akong, ya'know kasama ito, so siguro naman okay nga lang sa akin. "siguro".

 Pero wait, binabawi ko, madaming hindi magandang nangyayari kapag kasama ko siya, like nung isang araw, nakakita ako ng ipis, or kahapon na nakaapak ako ng "landmine" minamalas malas ako kapag kasama ko siya eh, at lagi nalang akong nalulugi, so, NO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's Out of my League (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon