Entry No. 9

119 12 8
                                    

Entry No. 9







-THE BULLIES-

"Hija," si Tiya Aying na may kinuhang pinaglabhan na damit sa balde at sinampay sa dulo ng terrace. "Napadalaw ka."

"Tiya Aying," masigla kong bati. "naghanap lang po ako ng katahimikan sa paligid para di po ako madidisturbo sa sinusulat ko."

"You've got the trouble to bring back your pace, again?" inilabas nito ang di pa nalulumaan na engles. Tiya was a retired teacher, an English teacher. Kaya minsan napapasabak ako sa englesan pag siya ang kausap ko.

Tumango ako bilang tugon at lumapit siya sakin at pinulot ang hard-copy sa mesa, umupo muna ito sa tabi bago binasa. Hinayaan ko nalang ito at nagsimula na akong nagsulat.

"Ano sa tingin mo tungkol sa coming book ko, Tiya Aying?" tanong ko after nitong ilapag ang papel, tingin ko ay tapos na niyang nabasa.

"It was sure a typical ordinary novel, pampaantok, aamagin lang sa mga bookstores, hija." sagot niya.

Awtomatikong nag abot ang dalawang kilay ko sa narinig, bakit di ko inaasahan na ang kritisismo ng matandang to.

"I wouldn't be discouraged, Tiya Aying. Lalo pa nga akong naganyak na ituloy ang proyekto kong ito. At dahil pinintasan mo, it has a big chance to become my bestseller book, sa ganun isa ka sa bibigyan ko ng libreng copy nito."

Naghikab siya, aywan kong nagbibiro. "Ngayon pa lang ay inaantok na ako, nabasa ko lang ang outline ng libro." Ayaw kong pasukin niya ang isipan ko at baguhin ang pasya ng puso ko. Pero jusko nung sinabi ni Tiya iyun ay biglang pumasok sa isipan ko si Sir Agustos. Kahit anong mangyari ay dapat magustuhan ni Agustos ang libro ko.

"Tiya, napipikon na yata ako," babala ko.

Hinding-hindi na talaga ko hihingian ng kumento si Tiya Aying, sinisira lang nito ang araw ko.

"Palibhasa'y hindi nakaranas umibig at ibigin ulit, kaya lahat na lang sa mundo ay negatibo sa kanya." napabulong ako sa sarili, oo si tiya aying ay byuda na.

"Ano ka mo, Seraphin?"

"Tiya Aying, sarili ko po kinakausap ko at huwag masyadong 'nosy' at may kanya-kanya tayong privacy." pasimpleng pagsusuplada ko.

"Oh, I see." ngumiti siya na nang-iinis. "Kung sino man yan at ikamusta mo 'ko sa kausap mo, Seraphin."

"Kung nagjo-joke ka, Tiya Aying, remind me to laugh next time po." salag ko, halatang pikon na talaga ako sa tiyahin ko at di ko na mapigilan ang sariling makigbatohan ng salita.

Tinawanan lang naman ako nito at tumayo na ito at bago pa umalis ay nang inis pa muna. "Hija, would you like to take a break and share a coffee with me? Baka naman doon mapag isip isip mong baguhin ang career mo."

"Tiya Aying!" bago ko pa masaway ito ay nakalabas na ng terrace ang matanda. Mapang-inis pa talagang nag engles ang bruha kong tiyahin. Nakakainis!

Kalaunan din ay tinanggap ko ang alok ni Tiya. Bumaba ako ng kusina at nagtimpla ng kapeng barako. Minsan din ay kailangan kong i-relax ang isipan ko lalo na at na stress ako sa tiyahin ko.

Pagkatapos kong nagtimpla ay lumabas ako at tumabi kay lola.

"Bakit naman, apo? Hindi maipinta ni Leonardo da Vinci ang mukha mo." hindi ako sumagot at nilapitan ko nalang si lola. Hinalikan nito ang bunbunan ko.

"Alam ko na, nakatikim ka na naman ng kamandag sa bibig ng tiyahin mo." nakangiting hula nito. Bakit ba at parang ako lang nagbi-big deal ng lahat ng sinasabi ni Tiya Aying.

Inkless Pen 🖋️ (2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon