Entry No. 22
-PROXY-
I felt like my heart was being squished the way he gripped my hand at hatakin ako papunta sa kotse niya. He was overdoing the plan!
"S-Sean?" banggit ko.
"Sean..."
Hindi parin niya ko tinigilan. Minsan naniniwala na ako na bingi ito.
"Sean!"
"Look at your back," malumanay niyang sabi.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at nakita ko si Agustos Morrie na nakatanaw samin. Mula sa verandan ng office niya ay makikita ko kung gaano siya mapagmatyag.
Oh, God! Gabayan mo nalang ako sa gagawin ko!
Kinuha ko ang braso ni Sean.
I don't think when grabbing his hand, my heart jumped as his fingers slotted perfectly between mine.
Sa pangalawang pagkakataon ay namalayan ko na naman ang pamumula ng tenga niya, siguro nga ay may deperensya ang tenga ng taong to.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito umikot sa drive seat. Naninibago ako sa isang Sean Maniego. Pero lagi kong tinatak sa isipan ko mula kanina na nagpapanggap lang ito. Yung halik kanina isa lang iyun sa pagpapanggap niya.
Ang isang Sean Maniego ay nagpaka propesyonal lamang.
Sa gitna ng byahe ay pareho kaming tahimik at walang umiimik. Hinatid niya ako sa bahay at sa pagdating namin ay hinintay ko siyang bumaba.
"What now?" tanong niya.
Tiningnan ko naman ito. Ngayon ay alam kong bumalik na ito sa dati, sapagkat ang kastanyo nitong mga mata ay halos mawala nang nag abot ang kilay nito.
"Aw~"
Saka ko narealize na wala na palang Agustos Morrie na nagmamasid samin. Wala ng dahilan para magkunwari pa.
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at di na hinintay itong pagbuksan niya ako.
Pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay dere-deretsu na ako hanggang kwarto ko at doon ay hinayaan kong manglulupaypay ang kabuuan ng katawan ko sa kama.
Bakit kailangan pang umabot sa ganito?!
Yan ang pa ulit-ulit na tanong sa isipan ko.
Yung amoy ng sigarilyo ay nanunuot pa rin sa hininga ko, ganun na rin ang linamnam ng isang mint galing sa labi niya ay nanatili pa rin sa panlasa ko.
Gusto kong magsipilyo o mag mumog kaso parang may iba sakin na ayaw gawin ito at hayaan kong manatili pa ng ilang oras ang pakiramdam na ito. Siguro dahil ito ang pinaka unang beses na ito'y nangyari sakin, ganito pala ang pakiramdam na mahalikan.
Pero sa huli ay nagmumog parin ako dahil sa tuwing nararamdaman ko ang mga iyon ay mukha ni Sean ang lumilitaw sa isipan ko.
Tumingala ako sa salamin na nasa harapan, makikita sa mukha ko ang pagkabigla sa nangyari, sobrang bilis hindi man lang ako nakailag.
Umiling-iling ako nang matagal hanggang mawala sa isipan ko ang mukha niya. pagkatapos nun ay muli akong nanghilamos ng mukha, kapagdaka ay kinuha ko yung towel na nakasabit at pinunasan ko ang mukha ko nang biglang umikot ang paligid. Agad akong napahawak sa pinto na nasusuka.
BINABASA MO ANG
Inkless Pen 🖋️ (2024)
Teen FictionThis story is not based on fiction or fantasy, but a story of true and beautiful love. A love that was full of life and color, that was never be dull or quite. A love that was truly one of a kind. We had a beautiful beginning and a wonderful middle...