Entry No. 24

6 2 0
                                    

Entry No. 24





-DEALING WITH THE JERK-





"So, he's your boyfriend and not your boyfriend?" he asked, something in his voice was teasing.

Nasa labado ako at naghuhugas ng kamay kasi magsisimula na kaming kumain nang sundan niya ako rito. Kaya pala nakita ko sila ni Ellie sa parking lot ng building sa office kasi tito niya si Agustos Morrie.

Hindi ako sumagot at mas piniling minadali ang paghuhugas ng kamay. Hindi ko siya pinansin nang bumalik na ako.

"May tinatago ba kayo kay tito?" tanong niya na dahilan kung bakit ako napatigil.

Binalikan ko siya at agad hinila sa may tabi. He was grinning at me.

"Sabi mo wala kang paki kong anong meron sa amin? pwede ba at manatili ka nalang na ganun?" sabi ko.

"Hmm," tumango-tango siya "tama ka naman."

Tumalikod na ako at bumalik.

"Pero ibang storya na pag involved si Tito."

Binalikan ko siya ulit at nakita kong nakikipaglaro ang mga tingin niya sakin, "Please gagawin ko lahat huwag mo lang sabihin ang totoo." pagmamakaawa ko.

Mahirap ang makipag-areglo sa isang Eun Halkins pero pagdating dito ay gagawin ko ang lahat masungkit ko lang ang tala.

At sa pagkakataong ito ay alam kung naaaliw siya pag nakikita akong nahihirapan. Hindi sa isang Eun Halkins makukuha ang libre.

Makita ang ngiting aso nito ay alam kung kumakapit na ako sa patalim.

"Let me think about compensation," he said and walked away.

Naubos ang oras ng pagsaluno na di mawala sa isip ko ang sinabi ni Eun. Sa oras na umalis na kami ng restaurant ay siyang iginawad sa akin ang ngiting tagumpay nito.

Kinabukasan ay nag abang sa akin si Eun sa tarangkahan ng paaralan. Nakahalukipkip at nahalata ko ang mga piercing nito sa tenga at sa kilay na hindi niya pala suot kahapon. Kundi ko lang siya kilala ay napagkamalan ko siyang respitadong maginoo.

"Good morning, dean's daughter!" bati niya at hindi parin mawala ang ngiti nito.

May kung ano sa awra niya na kakaiba sa rati. Di ko mapuna kung anong nagbago sa kanya ngayon.

"Walang good sa morning pag ikaw ang una kong nasilayan sa araw na ito, Eun Halkins!" di ko magawang mapairap sa kanya nang sinuklian niya sa ngiting aso ang sinabi ko.

Minsan napapaisip ako at bakit sa isang delikwenteng tao na tulad niya na di naman ako kinakausap noon ay ito ngayon at nag iba ang ihip ng hangin. Tila para akong basura na binigyang pansin pagkatapos renicycle at nagkaroon ng kapakinabangan.

Itinaas niya ang bag nito hawak lang ng dalawa nitong daliri sa mukha ko at nang binitawan ay aligaga kong sinalo ito.

Tiningnan ko siya na naguguluhan, kaya pala ay parang may nagbago sa kanya ay di naman nagdadala ng bag ang isang Eun Halkins. Anong iniisip ng delikwenteng ito?

"Ano ito?" tanong ko kasi medyo mabigat.

"Bag," simpleng sagot niya.

"I mean–"

"You mean nagtataka ka kung bakit nasa sayo?" putol niya sakin "simply kasi nagsisimula na ang compensation na sinabi ko. Ayaw mo?" may panghahamon niyang tanong. Aabutin niya sana ito nang pinigilan ko siya.

As if naman may choice ako!

Sarkastiko ko siyang ningitian. Kuhang kuha niya ang inis ko. Nagsimula na itong naglalakad at nakasunod na ako sa kanya. Medyo dinistansya ko ang pagitan namin para hindi mahalata ng mga estudyante na kasama niya ako.

Inkless Pen 🖋️ (2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon