Entry No. 19

17 6 5
                                    

Entry No. 19





-Saviour-





Nagsimula na akong maglakad. Ano pa bang gagawin ko? walang mangyayari pag tumunganga lang ako.

I heard the first alarm I set every evening, exactly 8:00 pm. It reminded me to take a bath and prepare myself to sleep. Pero ito ako at naglalakad sa gitna ng dilim, tanging liwanag ng buwan ay siyang tanglaw sa tinatahak kong daan.

Meron sumisitsit, di ko alam kung kanino galing, ang alam ko lang ay takot akong lumingon sa likod at tanging mabilis na paglalakad ang kayang gawin.

Ramdam ko ang presensya ng taong yun na nakasunod sakin, hindi naglalakad ito'y nakasakay sa motor.

Bumusina siya at di ko pinansin iyun.

"Huy!"

Kinilabutan ako sa boses niyang buo.

Taranta akong nag dial ng kung sinu-sino sa phone ko pero tulad nga ng dati ay walang sumagot.

"Huy!"

"I'm calling the police right now!" panakot ko sa kanya, yung bawat pintig ng puso ay dama ko na.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Sana di niya mahalata ang takot sa boses ko.

May nakita akong 7/11 at may mga customer pa ang naroon. Dali-dali akong naglakad ulit, di ko na rin narinig ang tunog ng makina sa motor nito. Siguro ay natakot sa sinabi ko.

Kalmado na yung pakiramdam na kanina ay parang kabayong tumatakbo. Hindi parin ako kampante at lumapit pa rin ako sa 7/11 nang biglang nay humawak sa braso ko.

Nagulat ako at napasigaw, banta iyun para mas higpitan niya ang pagkahawak sa braso ko.

"Hey, hey, hey! Stop it!" saway niya pero tuloy pa rin ako sa pag sigaw.

"Rapistttt—" bigla niyang tinakpan ng malapad niyang kamay ang bibig ko.

"What the fuck, dean's daughter!!"

Napamura ito at agad akong napatigil. He knows me. Dumungaw ako para makita ang mukha niya. It was a familiar tan poreless face, with brown daring eyes and thick eyebrows and he had a piercing in the end of his right eyebrow.

"Eun?"

"Yes, it's me!" binitawan na niya ako "And do you think an Eun Halkins will rape you dean's daughter?"

Napabuntong hininga ako at di na pinansin ang sinasabi niya. Napahawak ako sa dibdib at napaupo sa bench malapit sa 7/11.

"Thanks, God." napabulong nalang ako sa kawalan. Ngayon pa lang ako nagpasalamat sa isang Eun Halkins.

"What took you so long?"

"What? Are you okay?" nagtataka siya sa sinabi ko.

"Duhh! Not you, the help."

Di niya na gets pero hinayaan ko nalang siyang maguluhan. Pakiramdam ko ay para akong tumama sa lotto.

"Eun Halkins," tawag ko sa kanya at tiningnan naman niya ako.

"Yes, dean's daughter?"

"Can you give me a ride?" di na ako nagdalawang isip na sabihin iyun. I'm desperate enough.

Inkless Pen 🖋️ (2024)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon