Title: Last Station
gemoryaLahat ng bagay ay may dahilan, lahat ng tanong ay dapat may sagot, lahat ng simula ay dapat may katapusan. Pero bakit tila hindi ako makawala sa sitwasyon na hindi ko alam kung paano nagsimula?
Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa station ng tren, nag-aantay ng halos dalawang oras. Hindi ko rin alam kung sino ang inaantay ko, pero sigurado akong hindi ang tren na paparating. Ilang tren na nga ang dumaan pero nanatili pa rin ako rito.
Kaninang umaga ay bigla ko na lang gustong umalis at naisipang dito magtungo, sa huling train station. Nagising na lang ako na may gusto akong hanapin pero hindi ko alam kung sino.
"Miss, hindi ka ba sasakay? Kanina ka pa nandito at ilang tren na rin ang dumaan pero hindi ka pa rin umaalis sa pwesto mo. May inaantay ka ba?"
Napatingin ako sa lalaking gwardya na lumapit sa akin, tinignan ko rin ang relo ko. Magta-tanghali na. 8:00 AM akong nakarating dito.
"Kuya, may inaantay pa kasi ako. Pero salamat," sabi ko sa gwardya at saka ngumiti.
Kumunot naman ang kanyang noo. "Sigurado ka po bang dadating 'yon? Bakit hindi niyo na lang po tawagan?"
Tawagan. Paano ko tatawagan ang taong inaantay ko kung hindi ko naman siya kilala.
Ngumiti na lang ako sa kanya at nang wala siyang makuhang sagot sa'kin ay umalis na siya, bumalik siya kung saan siya naka-pwesto kanina.
Ilang oras pa akong nag-antay roon pero wala pa ring nangyayari hanggang sa gumabi na. Nakaramdam na rin ako ng gutom at magsasara na rin ang station. Kaya napag-desisyonan kong umalis na at umuwi.
Umuwi. Saan nga ba ako uuwi?
Pero bago ko pa makuha ang phone ko, may biglang lumapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.
"Nako naman, Diana! Salamad sa Diyos ay ligtas ka, kanina ka pa namin hinahanap ng papa mo!"
Isang babaeng umiiyak. Hinarap niya ako sa kanya habang nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Sino siya? Bakit niya ako kilala?
"Anak, I'm your mom. Umuwi na tayo, nag-aantay na ang dad mo sa kotse. Hali ka na, Anak."
Anak niya ako. Iyon lang ang naiitindihan ko. Pero dahil kilala niya ako at sinabi niyang anak niya ako, sumama na ako sa kanya at hindi nagsalita.
Pinapasok niya ako sa magandang kotse, magkatabi kami sa likod at nang tignan ko ang harap ay may isang lalaki na malungkot ang tingin sa akin, at isang babae sa harap na tila ba umiiyak din.
YOU ARE READING
Summer Time Madness
RandomA season to feel the love, to have a fresh start, rainbows and sunshines. But there were also times where we experienced summer with tears, heartbreaks, thunders, and hurricanes. Discover a kaleidoscope of tales brimming with warmth, adventure, and...