Entry #5

8 2 0
                                    

Title: It Could Have Been MeAugustArcher

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Title: It Could Have Been Me
AugustArcher

I never liked the summer heat. I always hated the sticky feeling from the sweat clinging unto your clothes. Minsan ay gusto ko na lang maghubad ng pang-itaas pero hindi puwede, baka makurot ako ni Lola.

Isa lang naman ang gusto ko kapag tag-araw, iyon ay ang pagbabakasyon ko sa bahay ng lola ko.

My grandmother owns a small sari-sari store on a beautiful island. Nakatayo sa beach ang kaniyang tindahan kaya naman tuwing tag-araw ay umuuwi ako dahil iyon ang tamang pagkakataon para mag-sunbathing at magmaganda gamit ang aking two-piece bikini, but jokes aside, peak season at mabenta ang tindahan tuwing tag-araw kaya tinutulungan ko si Lola.

Bukod pa roon, madalas ko ring nasisilayan ang aking long-time crush na isa sa aking motivation para mag-stay dito, si Ezra! Isang rich fafa si Ezra, pero palagi siyang inuutusan ni Madam Elsa, ang nanay niya, na bumili ng galon ng mineral water kaya palagi ko siyang nakikita. What if excuse niya lang pala iyon para makita ako?

“Leonora! Sinabi ko naman sa iyo na huwag kang nagpapaa dahil kapag pumasok ka sa loob ay sumasama ang buhangin!” pagbu bunganga ni Lola nang makita niya ako sa labas na nakapaa.

Inayos ko lang naman ang nakahanay na mga galon ng tubig para sa susunod na pick up ng nagdedeliver. Naabutan pa ako ni Lola sa labas. Hindi rin maiwasang mamula ng aking mukha dahil sa bahagyang pagtawa ni Ezra matapos marinig ang pagbubunganga ni Lola.

“Lola naman, eh! Nakakahiya kay Ezra, oh, dito mo pa talaga ako pinagalitan,” pagmamaktol ko habang nagpapapadyak at may hawak na galon na walang laman sa aking kamay.

“Ang cute mo namang magmaktol, daig mo pa ang bata,” kumento naman ni Ezra na siyang nakapagpainit ng aking pisngi.

“Enebe, kapag nagmamaktol lang? Hindi ba puwedeng 24/7 akong cute?” pabirong bira ko sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng aking tenga.

“Ikaw talaga! Pumasok ka na nga doon! Napakakulit mo!” sita sa akin ni Lola sabay kurot sa aking pang-upo kaya nagmamadali akong lumayo sa kaniya sabay salo sa aking puwitan.

“Lola naman, eh! Eto na nga, papasok na!”

Mas lalong lumakas ang tawa ni Ezra kaya napanguso ako. Nakakahiya naman ang ginagawa sa akin ni Lola. Sa harap pa talaga ni Ezra!

“Oh, suklian mo, hindi iyong puro ka kalokohan!” utos ni Lola nang aking idungaw ang mukha sa maliit na siwang ng tindahan. Nakahaba ang kaniyang braso at iniaabot sa akin ang bayad ni Ezra.

“Puwede bang date na lang ang isukli ko sa iyo?” pagbibiro ko.

Kunwari ay nag-zipper ako ng bibig dahil sa masamang tingin ni Lola sa akin.

“Puwede naman, kung papayag si Lola Lucille,” pagpatol ni Ezra sabay kindat.

Agad namang lumapad ang aking ngiti matapos marinig ang kaniyang sinabi.

Summer Time Madness Where stories live. Discover now