Entry #3

10 5 0
                                    

Title: BreadwinnerRoseliaPoessy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Title: Breadwinner
RoseliaPoessy

Hindi sa lahat ng oras kakampihan ka ng mundo. Dahil ang katotohanan mapagsubok ito at araw-araw kailangan mong magparaya o piliin na lumaban. Dahil ang totoo kailangan mong kumilos para makita nilang sapat at kaya mo.

Nalalapit na naman ang tag-init, kabilaan na ang nagbebenta ng halo-halo at iba’t ibang klase ng palamig. Mga palamig na magpapaginhawa sa init na nararamdaman natin.

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatanong sa katabi kong babae na abala sa pag-aayos ng mga gamit. “Kailangan po ba talaga umalis, Ate Dianna? Hindi ba p’wedeng dito na lang tayo malapit kanila mama? Okay naman tayo rito ‘diba?” 

Tumigil ito sandaling tumingin sa akin. “Wala tayong choice, hindi rin tayo p’wedeng magtagal dito dahil may business din na dapat asikasuhin si Madam. Tandaan mo, may mahalagang  utos si Madam Jhona na dapat gawin at unahin.”

“Sige ate, naiintindihan ko. Pasensiya na,” wika ko na kahit labag sa kalooban ko ang malayo sa pamilya ko titiisin na lang dahil kailangan.

“Umuwi ka muna sa inyo at magpaalam sa mama mo, baka ano na naman isipin no’n. Sabihin mo isang buwan lang tayo at uuwi rin naman.” Paalala niya sa akin at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

“Okay na po ang mga gamit ko ate, uuwi na muna po ako.”Nagpaalam ako nang maayos kay Ate Dianna at umuwi sa bahay.

Isa ako sa tagapangasiwa ng mga negosyo ni Madam Jhona, may kaunting alam na rin simula ng ituro sa akin ang mga pamamalakad. Ang kaniyang negosyo na kinabibilangan ko ay mga materyales sa bahay. Maraming klase pala ang mga kagamitan kaya kahit wala akong alam, pinili kong aralin at pagtuunan ng oras para magamay ko kahit papaano ang mga ito. Mahirap nitong nagsimula ako pero kalaunan, kinaya at nakabisado ko rin ang bawat detalye.

Halos apat na buwan na ako rito, malaki ang pasasalamat ko kay Madam Jhona sa pagtanggap at pagbibigay ng  trabaho sa akin. Trabaho na bumubuhay sa pamilya ko. Trabaho na kailangan kong panghawakan para patunayan kay mama na kaya ko, na may magagawa rin ako.

Dapit hapon na ng naglakad ako pauwi. May nakita akong mais conyelo, gusto ko sanang bumili pero ng kunin ko ang wallet ko sa itim kong pouch. Mayroong kaunting barya pero kailangan ko pang itabi para sa kanila.

Nakita ako ni Aling Aida na kapitbahay namin. Siya ang nagbebenta ng palamig. “Anna, bili ka na para maubos na ito.”Ngumiti lang ako at tumanggi. “Salamat sa pag-alok Ate Aida pero pass muna.”Umalis na agad ako dahil ayokong mapilit pa. Dahil naisip ko ang nasa wallet ko. Iilang barya na kailangan unahin muna ang iba bago ang sarili.

Malapit na ako sa bahay at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaba, takot at kung ano-ano pang posibleng pangyayari na huwag naman sana may mangyaring masama kapag napalayo ako sa kanila. Pero mamimiss kaya nila ako? Sa totoo lang hindi ko gusto na malayo sa kanila lalo na ngayon na magbabakasyon. Gusto kong makasama sila lalo na nalalapit na rin ang kaarawan ni mama, pero naisip kong kailangan din ng panggastos. Kailangan talagang kumilos at magsakripisyo. Ilang hakbang na lang at malapit na ako sa bahay.

Summer Time Madness Where stories live. Discover now