A season to feel the love, to have a fresh start, rainbows and sunshines. But there were also times where we experienced summer with tears, heartbreaks, thunders, and hurricanes.
Discover a kaleidoscope of tales brimming with warmth, adventure, and...
“I know that Juanito is my past and I still miss him pero ayaw kong masira ang kinabukas ko nang nakatali pa rin sa masamang ala-ala nya kaya nakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko hinayaan na multuhin ako ng nakaraan at bagkustumungo na ko sa landas ng hinarap”
Pasukan na naman at syempre as expected, pinag-kwento kami nina ma’am ng mga bagay na nangyari sa amin nung summer. karamihan sa mga classmates ko kinuwento yung mga naging bakasyon nila sa dagat while yung iba ikinuwento ang bakasyon nila sa probinsya at ang iba sa bahay nila or nag staycation lang. “Rico, You're next” Pagkatapos banggitin ni maam ang pangalan ko, Tumayo ako mula sa kahoy kong armchair at ginalaw ang mga paa ko sa harapan. Humarap ako sa mga kaklase ko at kinuwento ko ang bakasyon ko, ang special kong summer.
Tradisyon na nang pamilya namin na magbakasyon sa malalayong lugar tulad sa malamig na Baguio,Subic na puno ng dagat o sa Batangas na may masarap na lomi pero nagtataka ako sa inanunsyo sa amin ni mama. “Magbabakasyon tayo sa lola nyo sa Bicol” Masayang sambit ni mama sa amin. Napatulala na lang ako pagkatapos ko na marinig yung sinabi ni mama.
“Ma, Bakit sa Bicol at bakit kina lola pa?”
agad kong tanong sa kanya. “Para naman makilala nyo ang lola nyo at ang lugar namin ng papa mo” agad naman nitong sagot sa tanong ko. Bakit sa Bicol? May internet ba dun? Alam ba nila yung mga bagay na alam namin dito sa Manila. Yan ang mga tanong na pumasok sa utak ko pagkatapos sabihin ni mama ang bago naming lugar bakasyunan.Naninibago man ako sa lugar pero bahala na. Dali-Dali akong pumasok sa kwarto ko at pinasok ko ang sandamakmak kong mga damit sa malaki kong bag pack at pagkatapos nito nahiga na ko sa higaan ko at natulog na. Sa kalagitnaan ng tulog ko, napanipan ko ang isang babae na walang mukha at hawak nya ang kamay ko. Tinatawag nya ako sa kanyang malumanay na tono
“Gising na”
Paulit ulit nyang sinabi ito hanggang magising ako sa isang sigaw,
RICO, ANAK NG TOKWA GUMISING KA NA!!!”
Nagising ako sa sigaw ni papa, malalate na kasi kami at ako na lang ang hinihintay. Dali-Dali naman akong tumakbo at naghilamos at nagbihis at pagkatapos kong mag ayos ay sumakay na ko sa Kotse namin at umalis na. Umupo ako sa bandang likuran habang sina papa at mama ay nasa harapan. Habang nasa byahe kami ay sinuot ko ang bagong bili kong Headphones at nakinig ng favorite kong mga music at habang nakikinig ay nakadungaw ako sa bintana at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay nakaidlip ako. sa pag iglip ko ay napanaginipan ko na naman siya, yung babae na walang mukha, Niyakap naman nya akong ng buong higpit na tila agaw nya kong pakawalan at hindi ko na maalala ang susunod na pangyayari.
Nagising na lamang ako ng nakarating na kami sa simpleng tahanan ng lola ko. Bigla-bigla na lamang ako niyakap ng lola ko. Sa pagka yakap sa akin ni lola, may bigla akong naalala ngunit hindi ko na to maalala. pagkatapos kaming magkamusta nina lola ay inilibot nya naman ako sa kanyang bahay, sa paglilibot ko ay hindi ko maalis ang tingin sa ng litrato ng isang binata sa maliit na mesa tabi ng sofa. Agad kong itinanong kay lola kung sino ito.
“ Ay apo, a-ah K-kaibigan lang ni lola” utal-utal na sagot ni lola.
buong pagtataka akong tumingin sa kanya pero siguro nga kaibigan lang nya at siguro she's just valuing their friendship kaya nya inilgay sa lamesa. Hindi na ako muling nagtanong at pumunta na lamang sa hapag-kainan. Masarap pa lang magluto lalo na yung Adobong manok na paborito ko at pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan na kami buong pamilya pero habang sila ay buong masayang nagkukwento ay ako namang maraming tanong sa utak, Bakit pamilyar sa akin yung yakap kanina aa akin ni lola at bakit may nararandaman akong kakaiba after that hug? kaya naman kahit nagkukuwentuhan pa ang mga magulang ko at si lola ay agad naman akong nagpaalam sa kanila at sabay namang tango ni mama sa akin.
Inilibot ko ang aking sarili sa bahay at naghanap ng kasagutan sa katanungan sa aking isipan pero habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng pagod siguro dahil na rin sa ginawa ko buong araw kaya napagdesisyunan ko na lamang na magpahinga at bukas na lamang ituloy ang investigation sa bahay. Umakyat ako at pumasok sa lumang kwarto na sinabi ni lola. Inilapag ko ang bag ko sa sahig at hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa higaan at nagpahinga. Sa kalagitnaan ng pagtulog ko, Nakita ko na naman siya, ang babaeng walang mukha, She rushed at me then she cries,
“ Ang tagal mong nawalan, Juanito “
Juanito? Sino si Juanito? baka naman napagkamalan nya lang ako na ibang tao
“ Pasensya na miss na walang mukha , Ako po si Enrico at hindi ako yung hinahanap ny-"
napatigil na lamang ako ng ipakita nya ang refleksyon ko sa isang salamin. Napatigil na lamang ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mukha ng nasa salamin, hindi ba ito yung litrato sa sala ni lola. Nagising na lamang ako pagkatapos ng hindi ko maipaliwanag na panaginip at hindi na ako nakatulog hanggang sumapit ang araw. Buong araw ako binagabag ng panaginip ko na yun kaya nilapitan ko na ang mas nakakakilala sa lalaki sa litrato, Si lola. Pumunta ako sa salas at naabutan kong nakaipo si lola sa rocking chair nya, Nilapitan ko siya at tinanong kung sino ang binatang nasa litrato. Hindi umimik si lola at pagkatapos nito ay pumatak ang luha sa mata nya.
“Siya ang una kong pag ibig apo, Si Juanito”
parang narinig ko na iyong pangalan na yun ah? Si Juanito so that means that girl without face and lola are the similar person. pagkatapos nito ay Ikinuwento nya ang kwento ni Juanito, Paano nya nakilala ito at dahilan ng pagkamatay nito sa murang edad ng dahil sa pagkalunod sa ilog. Naramdaman ko ang paghihinagpis ni lola at pagkatapos nyang ikuwento ang pangyayari ay saka ko namang ikinuwento ang mga naging panaginip ko. ngumiti naman si lola sa akin
“ You and him does have resemblance apo pero…. I know that Juanito is my past and I still miss him pero ayaw kong masira ang kinabukas ko nang nakatali pa rin sa masamang ala-ala nya kaya nakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko hinayaan na multuhin ako ng nakaraan at bagkus tumungo na ko sa landas ng hinarap”
Hindi ko makakalimutan ang mga salita na iyon ni lola at pagkatapos nun ay kinuwentuhan pa ako ni lola ng mga ibang baga at maliban dun naenjoy ko naman ang buong bakasyon ko sa bicol. Marami akong nakilalang kaibigan dun, nakilala ko pa ang iba kong kamag anak ko at marami pang. Marami akong nalaman at natutunan sa pagbabakasyon ko sa probinsya namin at isa lang ang hindi mawawala sa isipan ko
and that is I have reincarnation of my Lola’s first lover