Entry #10

5 3 0
                                    

arannlc

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

arannlc

Walang magulang.

Ulila.

Mahirap.

Hindi ka nababagay dito.

Ito . . . ito lang naman ang mga salitang nakaukit sa upuan ko. Nabasa ko ito nung pumasok ako kanina sa klase. Summer class? Imbes na may matutunan ako, mas lalo lang lumalala ang pagkawala ng atensyon ko sa mga bagay na natututunan ko sana, kung hindi lang dahil sa mga estudyanteng walang magawa sa buhay nila.

“Hindi yata marunong magbasa kaya hindi maintindihan ang salitang hindi siya nababagay dito,” parinig ng kaklase kong si Akalia.

Nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. Kaya lang naman ako nag-take ng summer classes ay dahil late na akong nakapasok ng semester. Marami akong kailangang habulin na ang ginawang solusyon ng tita ko ay ipasok na lang ako sa summer class.

Ayoko sana pero wala naman akong magagawa.

“‘Wag mo na lang pansinin,” wika ng babaeng sumulpot bigla sa harapan ko.

Napatulala na lang ako sa kanya dahil hindi ma-process ng utak ko na may papansin pala sa akin sa kwartong ito. Second week pa lang namin sa summer class at marami pa kaming lessons na kailangang habulin at ito ang unang beses na may kumausap sa akin.

“Ganyan talaga ’yang mga yan. Mga walang magawa sa buhay nila,” sinubukan niya akong ngitian. “‘Pag pinansin mo, hindi ka na titigilan ng mga ‘yan kasi tingin nila, deserve mo ng attention nila.”

“Ayan na naman po ang bida-bida!” parinig nung isa sa grupo nila.

Kumuyom ang kamao ko. Hindi lang nila sa akin ito ginagawa. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ako makapaniwala na papansinin ako ng babaeng ’to na nasa harapan ko ay sa kadahilanang pati siya, pinagtitripan ng grupong ilang dipa lang ang layo sa amin.

Sa totoo lang, hindi na maganda ang lagay ng kondisyon ng pag-iisip ko. Dahil nga kamamatay lang ni Mama last week dahil sa sakit na colon cancer, hindi pa ako ganoon nakaka-move on. At hindi ko alam kung paano ako makakausad kung ganitong may mga taong ang hilig na hilahin ka pababa.

“Ano na? Kailan ka ba aalis sa eskwelahang ’to?” parinig na naman nila.

“Baka ngayon. Naiirita na ako sa boses mo, e,” tugon ng kasama niya na siyang pinagtawanan nila.

Bumigat lalo ang puso ko. Kung sa normal na pagkakataon lang ito, baka pinalampas ko pa. Pero hindi, e.

Iba ’to.

“Saan ka pupunta—”

Sinubukan akong pigilan nung babaeng kumausap sa akin kanina pero hindi ko na siya napansin. Parang ang gaan lang din ng bawat hakbang ko papunta sa lamesa nung mga taong panay ang parinig sa akin.

At nang umangat ang tingin sa akin ni Akalia, ingay na lang ng sampal ko ang narinig ko.

Natahimik ang buong klase dahil doon.

“Anong ginawa—”

Hindi ko na pinalampas ang babaeng nasa harapan niya na nakanganga lang habang tinititigan siya at lumapit din ako sa pwesto niya. Nanginginig ang kamay ko at bumibilis ang paghinga ko nang harapin ko siya.

“Subukan mo akong sampalin—”

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tumama din ang palad ko sa mukha niya.

“Matagal na akong nagtitimpi—”

Tinulak niya ako dahilan para tumama ang likuran ko sa pader sa gilid, at ganoon din ang ginawa niya—sinampal niya ako.

Hindi ko na siya hinayaang makabwelo pa at binigyan ko siya ng mag-asawang sampal. May mga kamay na ring pumipigil sa akin dahil nahiga na siya sa lamesa pero hindi pa rin ako tumitigil.

Sampal, sabunot, sampal, at hindi ko inaasahan ang kusang pagpulupot ng palad ko sa leeg niya.

Sigaw siya nang sigaw, humihingi ng tulong.

May malalakas na ring pwersa ang sinusubukan akong hilahin palayo sa kaniya.

Ngunit tanging naaalala ko lang ay ang mga panahong puro panlalait at kagustuhan nilang mapaalis ako sa klaseng ito.

Hanggang sa magdilim ang paningin ko.

Pag gising ko ay bumungad sa akin ang kuwartong puro puti ang pintura. Nang tingnan ko ang gilid ko dahil sa sumigaw ng pangalan ko, tuluyan akong nagising.

“Erun, anong ginawa mo? Bakit mo pinatay ang kaklase mo?” humahagulgol na tanong ni tita habang nakatitig sa mga mata ko. “Hindi pa ba sapat ang papa mo?”

Natulala na lang ako.

Summer Time Madness Where stories live. Discover now