PROLOGUE

34 3 0
                                    

Nandito kami ni papa sa malawak na hardin, sa likod ng bahay namin. Dito kami madalas magtraining, gamit ang mga armas na gawa sa ibang uri ng kahoy at kawayan. Hindi ko alam kung may tunay bang dahilan, kaya tinuturuan niya ako kung paano makipaglaban. Naitanong ko na ito sa kanya kung bakit, ngunit ang tanging sagot niya lang ay para maprotektahan ang aming mga sarili.

Sabagay,

Hindi natin alam ang takbo ng buhay. Hindi natin alam...kung ano ang pwedeng mangyari sa atin.

"Pa, time pers lang" itinaas ko ang kaliwa kong kamay, senyales na paghinto. Napaupo ako sa damuhan dahil sa matinding pagod.

Napabuntong hininga siya at lumapit sakin

"Wala pa tayo sa kalahati pero pagod ka na" hilaw kong nginitian si papa saka napakamot sa ulo

"Tumayo ka riyan. Hindi tayo titigil, hanggat hindi mo ako natatalo." napanguso ako at napilitang tumayo.

Iniwasiwas agad ni papa ang kanyang baston o stick, na agad kong dinepensahan gamit ang akin.

Ang baston na hawak namin ay hindi tungkod na ginagamit ng mga matatanda, ito ay deretsong stick lang.

Ang ginagawa naman namin ay tinatawag na arnis.

May tatlong pamamaraan sa paggamit nito.

Ang una ay ang 'sword or dagger'. Ang sword, ay isang mahabang armas na hugis kutsilyo at ang dagger naman ay maliit. Maaring gawa ang mga ito sa ibang uri ng kawayan. Ang pinakatuktok ng dalawa ay patusok, may hawakan naman para sa mga dulo nito.

Pangalawa, 'gumagamit ng dalawang patpat' o sticks na pantay ang dalawang haba.

Tinanong ko siya kung tuturuan niya ba ako sa paggamit ng mga ito, nakita ko kasi siya nung nakaraan na gumagawa.

Saka na raw kapag naging bihasa na ako sa 'paggamit ng isang stick'. Ito ay ang panghuli.

Na ginagawa namin ni papa ngayon.

"Show me what you got, anak." saad niya

"This time, I will win!" tugon ko

Ilang atake ang binibigay niya para ako'y mapatamaan, todo pagsalag ng lamang ang nagagawa ko dahil sa bilis ng kanyang paggalaw. Bawat pagikot ng kanyang baston, isang malakas na paghampas na kailangan mong iwasan at pigilan.

Nagulat ako ng biglang nawala sa harapan ko si papa, tila ba may dumaang hangin sa aking tenga.

"Anong-" bago pa ako makalingon sa likuran, isang hampas na hindi gaanong kalakasan, ang naging dahilan para umatras ako sa aking kinatatayuan.

Napahawak ako sa aking tagiliran. Hindi naman masyado mararamdaman ang sakit, mukang sinadya niyang hindi lakasan.

Ngayon ko lamang nakita ang technique na iyun mula sa kanya. Sa tatlong buwan namin pagsasanay, ngayon niya lamang sakin ipinakita 'to.

"Kahit papaano ay nagiging bihasa ka na, pero kulang pa."

Napahawak ako ng mahigpit sa baston, naaalala ko ang sinabi niya noon.

'Papa, bakit ka may hawak na baston? Nahihirapan ka na po ba maglakad?'

'Hindi ito basta baston lang, ginagamit ito para sa self-defense at pakikipaglaban'

saka ko napansin na pantay ito, walang nakabaluktot sa dulo.

'Paano po? Eh mukang ordinaryong stick lang naman'

'Simula ngayon, tuturuan na kita kung paano ito gamitin. Para rin matignan mo, kung ordinaryong stick nga lamang ba ito.

"Pa, huwag na"

18 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon