CHAPTER 4

26 3 0
                                    

Song: Mr. Kupido by Rachel Alejandro
****
___________________________

Naglalakad na kami ngayon sa corridor, papunta sa classroom. Ilang oras pa naman bago magsimula ang klase.

Kanina ko pa napapansin si Ara, palingon lingo sa akin, tapos biglang tatawa at iiling.

Mukang hindi pa nakakamove-on sa nangyari kanina.

"Problema mo?" tanong ko.
Binangga niya naman ang braso ko at ngumiti.

"Ikaw ha" base sa kanyang expresyon, kinikilig siya. Kumunot ang noo ko.

"Anong ako?"

"Kala mo hindi ko nakita 'yun?" pinagsasabi nito?

"Pinagsasabi mo diyan? Ano naman nakita mo?" hibang na ba 'to?

Ano naman ginawa ko at ganyan siya kung makatingin.

"Kanina ko pa napapansin, tinitignan mo isa sa kanila. Type mo noh? Ayiee... aminin" saka tumawa.

'Anong type? Tinitignan ko lang kasi familiar siya'

pero syempre, hindi ko sinabi 'yan sa kanya. Alam kong hindi niya na ako titigilan sa pagtatanong. Huwag muna ngayon.

"Hindi! Ewan ko sayo." binilisan ko ang lakad. Pumasok ako sa room at agad na umupo.

"Halata ka, 'te!" sigaw nito saka sumunod.

Napansin naman namin ang mga tinginan ng mga kaklase namin.

"Tinitingin-tingin niyo?" pagtataray ni Ara. Nagsi-iwas naman sila ng tingin.

Pagkaupo, sinindot niya ang tagiliran ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti naman siya ng nakakaloka.

Ilang segundo lang, nagsimula siyang kumanta.

Ako ay parang nasa ulap🎶

Nang ako'y kanyang titigan🎶

Sa puso ay anong sarap🎶

Tunay na kapag umibig🎶

Lagi kang mananaginip🎶

Pag kas-🎶

'Hindi naman halatang pinapatamaan ako, ano?'

Sasawayin ko na sana, saktong dumating ang aming guro. Nakahinga ako ng maluwag. Tumahimik na rin ang mga kaklase ko, hindi na nag-ingay pa.

Tinignan ako ni Ara at ngumiti ng malaki. Binalik niya ulit ang tingin kay Sir.

'Paano ba makaganti sa babaeng 'to?'

"I know what you're thinking" saad niya. Nginusuan ko na lang siya.

Ilang subject pa ang nagdaan, bago nagsimulang mag-uwian.

Hindi naman nagturo ang mga guro, dahil first day pa lang daw, ngunit ang iba ay nagiwan ng mga topic, na tatalakayin namin sa kanilang subject.

"Tara na. Uwing-uwi na ako." halata nga. Kanina ko pa napapansin, makailang beses siyang tumingin sa kanyang relo.

Sinukbit ko ang bag ko sa likuran, at sumunod sa kanya.

Pagkalabas ng room, napansin namin ang mga tinginan ng mga estudyante sa amin.

"Ang ganda ko talaga. Grabe sila makatingin." saad ng katabi ko. Nginingitian niya ang mga tumitingin sa kanya.

Mukang nabalitaan at nasaksihan nila, ang nangyari kanina sa cafeteria.

18 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon