Warlaine Pov.
Nagsukatan sila ng tingin, nag-aantayan kung sino ang unang susugod. Kung tutuusin, lugi ang apat na 'to dahil mga nasa bente ang mga kaharap nila. Baka sila ang unang tumumba.
Aba'y, may mga dala pa naman armas ang mga lalaking 'to, samantalang sila ay sarili lang ang dala.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila.
Wag niyo muna ituloy ang laban niyo, pls lang! Nandito pa ako. Ayoko madamay sa gulo niyo.
kinalabit ko si Zen. "Pwede bang umuwi muna ako...bago niyo ituloy 'yan?"
As if naman papaalisin ka nila, Elain.
Mukang narinig naman nung Josef dahil bigla itong tumawa. "Sasama ka sakin."
"Ang kapal naman ng muka mo para sumama ako sayo?" tinaasan ko siya ng kilay.
Bakit niya ba ako gusto sumama sa kanya? Anong gagawin niya sa akin? Argh, kilabutan nga.
Kahit iharap niya pa sakin 'yang mga kasama niya, magkamatayan man... hindi ako sasama!
Ay, ano ba 'tong iniisip ko? Sabi ko ayoko madamay sa gulo.
"I'm warning you, Josef." napatingin ako kay Trev. He looked furious. Ang sama niya makatingin.
Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa namin pinaglamayan si Josef.
"Sa tingin mo matatakot mo ako?"sinenyasan niya ang mga kasama niya na sumugod.
Napaatras ako ng maglakad sila papunta sa direksyon namin, hinanda naman ng apat ang kanilang mga sarili.
'Ito na nga ba sinasabi ko e'
Sumenyas ang nasa gitna na mukang leader nila. Lumabas ang lima sa likod, una silang sumugod.
Nagulat ako ng biglang nawala sa harapan ko si Zen. Tumingin ako sa direksyon niya.
Haharapin niya na mag-isa yun? Nababaliw na ba siya?
Binalingan ko ng tingin si Trev. Nakapamulsa itong umupo sa malaking bato na nasa gilid, kalmado itong nakatingin sa kanila.
Wala ba siyang balak tumulong?
Napatingin ulit ako sa harap.Hahampasin na sana si Zen sa muka ng lalaki na may hawak ng baston, pero sinalag niya ito.
"Not my precious face, pogi." inagaw niya sa lalaki ang baston at sinipa ang dibdib nito. Bumagsak naman sa sahig ang lalaki.
Gulat naman na napatingin ang apat sa nangyari.
"Come on, boys!" nagsisiguran na rin sila.
Hinampas ni Zen sa ulo ang lalaki, at tinadyakan naman ang nasa likod niya. Balak pa sana siyang hampasin sa batok ng isa, pero agad niya naagaw ang hawak nito at pinalo sa lalaki. Tumumba ang dalawa.
"Eww, mga weak! Hindi ko pa nabibigay lahat ng lakas ko niyan ha" saad niya.
Binalingan niya ng tingin ang isa na napatigil. "Ano, lalaban ka pa?" rumehistro naman sa muka ng lalaki ang pagkainis. Itinaas nito ang hawak niyang baseball bat at sumugod na rin.
Bago niya pa maihampas kay Zen ang hawak niya, bumagsak agad siya sa sahig.
Napanganga ako sa nangyari.
"Ouch!" daing ni Zen at hinipan ang kamao nito. Mukang nahimatay ang lalaki sa lakas ng pagsapak niya.
Isa laban sa lima?
'Binabae ba talaga 'to?'
Hindi makapaniwalang napatingin ang iba sa kanya.
"Come, fight me! Pagtitirisin ko pa kayo isa-isa e." really? this damn fool. Nanghamon pa talaga.