CHAPTER 3

23 3 0
                                    

Pagkarating namin, naghanap agad kami ng upuan. Napili namin ang bakante na nasa tabi ng bintana at malapit sa counter, para hindi na kami mahirapan sa pagkuha ng pagkain.

Malawak ang cafeteria. Pagpasok mo pa lang, tatambad na agad sayo ang maraming lamesa na magkakahilera at magkakaharap. Sa bawat right at left side, may tagta-tatlong lamesa na mahahaba at magkakadikit. Sa gitna naman, may mga pabilog na lamesa. Mayroon din naman mga lamesa, na para sa isa or dalawang tao lang.

Sa pinakagilid ang counter, na kung saan kami na mismo ang kukuha ng pagkain dahil naka ready na ang mga ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pinakagilid ang counter, na kung saan kami na mismo ang kukuha ng pagkain dahil naka ready na ang mga ito. Wala na kaming babayaran, sagot na ito ng school. Kasama kasi ito sa tuition, at dahil nga scholar kami ay libre lang din.

Pwede ka rin naman mag order ng pagkain sa counter, kagaya ng mga iba't-ibang uri ng cake at coffee pero babayaran mo na. Hindi sila nagbebenta ng mga lunch food, kaya minsan no choice ka rin kundi kumain ng mga hinanda nila.

Sinabi ito sa amin ng principal kanina, kaya nalaman ko lahat ng 'to.

Pagkapasok pa lang namin ng school, hinanap na agad namin ang office. Malawak ang school, pero hindi na kami nahirapan sa paghahanap dahil may napagtanungan kami.

"Ano ba 'yan."

pagkatapos kumuha ng pagkain, narinig namin ang pagrereklamo ng babae na kalapit lang namin. May kasama itong dalawang babae na irita rin ang mga muka, para bang napipilitang kumain.

Base sa kanyang expresyon, alam na namin ang sagot. Mahigpit kasi ang hawak nito sa kutsara, tila ba pinaglalaruan lang ang pagkain, dahil hindi niya naman kinakain.

Mukang hindi niya gusto ang pagkain, halos puro gulay kasi ang mga ito. Hindi lang naman siya ang nagrereklamo, karamihan sa mga students ay ganyan din. Pagpasok mo pa lang kanina, rinig na rinig mo na ang pagrereklamo nila.

"Kumuha pa siya ng pagkain kung hindi niya rin naman kakainin." saad ni Ara. Inilapag niya ang tray sa lamesa.

Pinandilatan ko siya ng mata, senyales na baka marinig siya. Mahirap na, baka magkaroon pa kami ng kaaway. Mukang mataray pa naman 'yung mga babae.

Napanguso ako ng tawanan niya lang ako. Nagsimula na kami kumain.

Ang laman ng tray ni Ara ay sandwiches, vegetables salad, soup at mga ubas.

Habang ako naman ay kanin, menudo, sandwiches at isang mansanas.

Nilantakan ko agad ang menudo at inihalo sa kanin. Paborito ko ang ulam na ito, kaya naman ganado ako kumain.

Hindi ko namalayan, sunod sunod na pala ang pagsubo ko.

"Narinig mo ba 'yung mga bulungan kanina?"

"May nagbabalik daw"

"Huy! Naririnig mo ba ako?"

Salita lang nang salita si Ara, pero hindi ko pinapansin. Wag niya muna ako ngayon kausapin.

18 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon