CHAPTER 2

21 3 0
                                    

Song: Nahuhulog na Sa'yo by Noah Alejandre
****
______________________________

Bumalik na ako sa room, matapos ang nakakahiyang nangyari. Naabutan ko na nandoon na lahat ng mga kaklase ko, subalit wala pa rin ang aming guro.

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko ay late na ako. Tinignan ko ang orasan, isang minuto na lang bago magsimula ang klase.

Napansin ko na may katabi na akong babae sa upuan. Nakatingin ito sakin.

Nagsimula na akong maglakad papalapit. Ngumiti siya ng mapagtanto na katabi niya ako, nginitian ko na rin siya pabalik.

'Baka isipin nito ang rude ko'

Umupo na ako. Nag-antay pa kami ng ilang segundo, bago dumating ang aming guro.

"Good morning. I am your adviser. My name is Aaliyah Reyes" inilapag nito ang kanyang mga dala sa lamesa, saka kami tinignan isa²

"Introduce yourself." tumayo naman ang nasa unahan para magpakilala.

Nakakasawa na magpakilala, sa tuwing nagbabago ang grade level ay ganito. Sabagay, panibagong kaklase na naman kasi ang aming nakakasalamuha. May mga natatanggal, nadadagdag, umaalis or nanatili pa rin. Nagiging kaklase mo sila, depende kung parehas kayong mababa or mataas ang mga marka.

Sa sitwasyon ko, kung nung grade 9 ay section 2 ako, ngayon naman grade 10 ay section 1. Kung titignan, bago ako sa paningin ng mga dating nasa section 1.

Para saan pa ang pagpapakilala, kung pagkatapos nito ay para ka lang naman hangin sa paningin nila?

Malalim akong napabuntong hininga, tila ba napansin iyun ng katabi ko, mahina siyang natawa. Napatingin ako sa kanya dahil doon.

"Your turn." ani nito. Hindi ko napansin na ako na pala.

Tumayo ako sa harap, tinignan ang mga kaklase kong nakatingin din sa akin. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong nakangiti ito.

'Ang creepy ni ante, kanina pa nakangiti sakin'

Iniwas ko rin agad ang tingin ko at tumayo ng tindig. Pilit akong ngumiti sa kanila bago nagpakilala.

"My name is Warlaine Garcia"

__________________

*16 YEARS LATER*


"My name is Warlaine Garcia" matapos kong magpakilala, bumalik ako sa upuan kung saan katabi ko ang aking kaibigan.

Walang pinagbago, ganito pa rin ang pakilala ko sa harap ng mga bagong kaklase ko. Ang kaibahan lang, ibang paaralan na ang pinapasukan ko.

Senior High School na ako, nag-aaral sa pinakasikat na paaralan na walang iba kundi ang 'National Arcanghel High School'. Nakapag-aral ako sa mamahaling school, dahil nakatanggap ako ng scholarship katulad ng kaibigan ko.

'Ipinapatawag kayo sa office ni ma'am Aaliyah' sambit ng isa kong kaklase.

Napatingin kaming dalawa sa isa't-isa na nagtataka.

'May ginawa ka noh at nadamay lang ako dito?' tanong ko

'Aba, ba't ako? Baka ikaw' nagkibit balikat na lang ako at mahinang natawa saka umiling iling.

Pagkarating namin doon, may iniabot na sobre sa amin si ma'am.

'Congratulations! Only the two of you have passed the exam. Parehas kayong nakatanggap ng scholarship sa National Arcanghel High School'

18 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon