Mark Pov.
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Chief Inspector Verson sa opisina ng pulisya. Abala siya pagtitipa ng kanyang laptop, habang umiinom ng kape. Wari'y may tinitignan na mahalaga, dahil sa pagiging seryoso ng muka niya.
Habang ako, nagbabasa ng dyaryo.
Binabasa ko ang tungkol sa krimen na nangyari nung nakaraan.
(PILIPINAS: Suspek sa brutal na pagpatay sa isang dalagita sa apartment nito, nahuli na!
Lunes, Marso 11, 2024
12 pahinaSinampahan ng kaso ang suspek na si Relano Abad matapos nitong patayin ang kanyang girlfriend sa isang apartment sa Makati....)
"Anong balita sa kaso?" napatigil ako ng magtanong si Chief. Sinara ko ang dyaryo.
Ang tinutukoy niya, ang babae na sinaksak sa apartment nito.
Ilang araw na raw may naaamoy na hindi kaaya-aya at masangsang na amoy, ang nakatira sa katabing pinto ng biktima kaya ipinagbigay alam niya sa landlady.
Napagpasyahan nilang buksan ang apartment dahil walang sumasagot, at doon nga nila nakita ang kalagayan ng biktima sa kanyang higaan. Ipinagbigay alam agad nila ito sa pulisya.
Nadatnan nga namin ang babae na walang saplot sa kanyang pang-ibaba, habang naliligo sa sarili nitong dugo. Napag-alaman namin na ginahasa muna bago patayin.
Nagtamo ito ng labing walong saksak sa iba't-ibang parte ng katawan, karamihan ang mga tama ay sa tiyan maging sa dibdib, na siyang ikinamatay ng biktima.
Walang awa ang gumawa sa kanya dahil halos hindi makilala ang muka ng babae. Bukod kasi sa mga tama ng saksak, meron pa itong mga pasa at galos.
"Schedule ng hearing next week" sagot ko.
Nagkaroon kami ng lead kung sino ang suspek.
Ang sabi ng landlady, ang boyfriend lang naman ng babae ang kadalasan pumupunta sa apartment nito. Sinang-ayunan naman ng babae na nakatira sa katabing apartment.
'May kilala po ba kayo na pwedeng gumawa nito sa kanya?'
'Aba'y meron. Tingin ko ang boyfriend niya'
'Bakit niyo po nasabi?'
'Siya lang naman ang madalas pumupunta dito, at laging hindi maganda ang timpla ng muka kapag aalis na. Malamang, nag-away na naman ang dalawa... at ayan na nga ang nangyari'
'Sa tingin ko nga rin ang boyfriend niya. Ilang beses ko na rin narinig na nagtatalo ang dalawa'
Matapos nilang sabihin 'yun, ininterrogate namin ang boyfriend ng biktima at tumanggi ito nung una.
Nung nakita namin ang kutsilyo na ginamit–na itinapon sa damuhan hindi kalayuan sa apartment ng biktima, nagpadala agad kami ng warrant of arrest sa lalaki. Nagpatibay kasi 'yun na siya ang suspek, base na sa finger print nito. Wala na rin siya nagawa kundi umamin.
"Ganun ba." ani nito. Tumango-tango saka uminom ng kape.
"Ano nga pala nangya-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko, nang biglang bumukas ang pinto.
Napatingin kaming dalawa ng pumasok si police officer Kleo.
Sumaludo ito sa amin bago magsalita.
"Chief, may natagpuan bangkay ng isang babae sa park malapit dito sa police station." nagtinginan kaming dalawa sabay napuntong hininga.
"Mukang magkapareho ng krimen na nangyari nung nakaraan." dagdag niya. Napatayo kami sa pagkakaupo ng marinig ito.
Kumikilos na naman siya.