Nagising ang lahat at bumangon. Nagsipuntahan sila sa likod namin. Itinaas nila ang kanilang mga armas, nagpapahiwatig na handa ulit sila lumaban sakaling sumugod ang apat.
Nakaharap kaming lahat kila Trev...na masama ang tingin sa kanila.
"Hayaan niyo na kami umalis, Trev. Kakalimutan namin ang nangyari. Makakaasa kayong hindi nila malalaman." saad ni Josef.
Lumapit ito sa akin at balak sana haplusin ang pisngi ko pero iniwas ko ang ulo ko. Humigpit naman ang pagkakasakal sakin nung Josh at napadiin ang kutsilyo sa leeg ko.
Damn.
Makawala lang talaga ako. Hindi na kayo sisikatan ng araw.
"We will, kung papakawalan niyo ang babaeng 'yan" Mark. Humigpit ang kapit nito sa baston na hawak niya.
"No." tugon naman nito
"Huwag niyo subukan gawan ang babaeng 'yan na masama. Pakawalan niyo siya! Ingrata kayo." inis na sabi ni Zen. "Ipukpok ko sa ulo niyo 'to e" tinaas naman nito ang hawak niyang baston.
"Huwag niyo rin antayin na mas lumala pa ang gulo sa pagitan natin." tumawa naman ng malakas si Kerv sa naging sagot ni Josef.
"Nagpapatawa ka ba? Tignan mo nga ang muka ng mga 'yan..." tinuro turo niya isa-isa ang mga 'to "Eh mga basag na ang mga muka e. Kaya pa ba nila lumaban? Baka hindi na sila makalabas dito ng buhay." ngumisi ito
Pls lang. Huwag niyo na palalain ang sitwasyon.
Aish. Bakit pa kasi ako pumunta dito e. Kung hindi ko lang sinundan 'yung pusa,
Ay wait...
Nasaan na 'yung pusa?Napakagat ako ng labi at napapikit ng mariin. Sa dami nangyari, hindi ko na naalala 'yung pusa. Hindi ko tuloy nalaman kung okay lang ba kalagayan nun. Hindi ko na nahanap, hayst. Nagbabalak pa naman sana akong iuwi.
Napansin ata nila ang reaksyon ko dahil nagtanong si Zen.
"You okay, gurl?" ngumiti ako ng pilit.Nagtanong pa talaga ang lokong 'to. Sa tingin niya okay ako sa sitwasyon ko ngayon?
"Hindi ako nagpahuli sa inyo na wala ako ginawang plano. Hindi rin ako sumusugod sa laban...na ayan lang ang dala kong armas."
Huh? Nagpahuli si Josef sa kanila? Pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan.
Gulong-gulo na ako sa nangyayari! Enlighten me, please.
Tumingin si Josef sa kanyang relo. Napatingin kami sa kanya. Nung una niyang ginawa 'yun, may mga dumating na kalaban. Huwag niyo sabihin may paparating na naman?
"Pakawalan niyo na ako. Mahal ko pa ang buhay ko" wala sa vocabulary ko ang magsabi ng ganito. Kung tutuusin kaya ko naman silang labanan, gamit ang mga natutunan ko sa tinuro sa akin ni papa.
Kaso,
nagdadalawang-isip ako. Ayoko sila patulan, once na ginawa ko kasi 'yun baka hindi na nila ako tigilan. Mga gangster pa naman ang mga 'to. Baka abangan na nila ako lagi sa labas ng school.
Mabalitaan pa 'to ni papa, edi yare na ako. Sinabi niya gamitin ko ang mga natutunan ko para protektahan sarili ko, hindi niya sinabi gamitin ko ito sa pakikipag-away.
pero, kung sila naman ang nauna...It's called protecting yourself, right? Ahhh...bala na.
Gusto ko ng tahimik na buhay.
"Hindi kita sasaktan, basta sumama ka sakin" napairap ako sa naging sagot niya. Hindi raw sasaktan pero may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko.
Naiinis na talaga ako.