CHAPTER 1

21 3 0
                                    


Song: I Have A Dream by ABBA
****
_

______________

"Warlaine!" napabalikwas ako sa aking hinihigaan, nang tawagin ni papa ang aking pangalan. Sigaw niya pa lang, mapapagising ka na sa himbing na pagkakatulog mo.

"Bakit, pa?" ani ko saka humikab

"Anong bakit!? May pasok ka na." nanlaki ang mata ko. Agad kong tinanggal ang kumot na bumabalot sakin.

'shit, nakalimutan ko'

Natataranta akong kumuha ng damit, pero napahinto ako ng  mapadako ang tingin ko sa orasan na nakasabit. Nawala ang kaba ko ng makita na maaga pa.

5:00am

Dalawang oras at kalahati pa bago magsimula ang klase.

"Pa naman, maaga pa oh." may bahid na inis na pagkasabi ko.  Napaupo ako sa kama.

"Mas mabuti ng maaga, kaysa mahuli sa klase. Mag asikaso ka na diyan, mabagal ka pa naman kumilos." saad nito. Napakamot na lamang ako sa ulo dahil sa pagkainis.

Palabas na siya ng pinto, nang tinawag ko siya.

"Pa, wag mo na ako tawagin sa buo kong pangalan. Elain na lang po, okay?"

"Sige, Warlaine." at lumabas ng pinto

"Pa!" sigaw ko, napahalakhak naman siya.

Ayoko kasi na tinatawagan ako sa buo kong pangalan.

Pagkabasa mo pa lang ng pangalan ko, kala mo magsisimula ang digmaan dahil sakin.

Naitanong ko na ito sa kanya, kung sino ang nagpangalan sakin at bakit 'yun.

'Pa, sino nagpangalan sakin? Si mama ba?

'Bakit mo naman naitanong 'yan?'

'Wala lang. Hindi po kasi maganda pakinggan.'

'Ikaw talaga. Ako nagpangalan sayo niyan.'

'Bakit po ito naging pangalan ko?'

'Trip ko lang'

Ayan ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Trip niya lang daw. Sa dami ng pwede ipangalan, ayan pa. Si papa talaga.

Nagunat-unat muna ako, bago napagdesisyonan maligo. Pagkatapos, sinuot ko ang uniform na pinaglumaan ko– kulay pink ang palda at white and blouse. Napatingin ako sa salamin, nagpractice kung paano ngumiti.

"Magkakaroon na kaya ako ng kaibigan sa unang araw ng klase?" saad ko, na tila ba kinakausap ang refleksyon ko sa salamin.

"Hi, my name is Elain" itinaas ko ang kaliwa kong kamay para bang makikipagshake hands, saka ngumiti. Ngunit nabura rin ang pag ngiti ko, na mapagtanto kung ano ang ginagawa ko.

'Para kang sira, Elain'

Napailing na lang ako. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas para tumungo sa kusina. Hindi ko na nadatnan si papa. Mukang maaga siya umalis para magtungo sa palengke. Nadatnan ko na lang ang sinangag at tuyo, kasama na ang suka na nakahain sa lamesa.

Alam na alam talaga ni papa ang paborito ko.

Nagsimula na akong kumain. Nang matapos, umalis na ako para magtungo sa paaralan.

____________

Nang makarating, agad na hinanap ng mata ko ang section ko. Pagkakita dito, agad akong pumasok sa loob.

Iilan pa lamang kami na nandito. Humanap ako ng upuan at doon umupo. Nasa kanan na tabi ng bintana ang pwesto ko.

Napadako ang paningin ko sa orasan na nakasabit. Maaga pa pala, isang oras pa bago magsimula ang klase.

18 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon