Chapter 13

1.7K 53 25
                                    

Chapter Thirteen

Nagising ako ng marinig ko ang pagtunog ng aking alarm sa aking bedside table. Papikit pikit ang mata na tiningnan ko ang aking cellphone na nasa tabi ko at tiningnan ang orasan. I groaned when I saw that it's still 4am.

Letche.

Ang call time kasi na sinabi nila Miss Gomez sa gc kagabi ay 6am dahil malayo-layo ang byahe na mangyayari. Mahigit 10 hours daw ang pagpunta doon sa lugar na pupuntahan and we really need to have a good rest dahil kinabukasan ay start na agad ng volunteering.

Gosh, inaantok pa ako. Naisipan pa kasi nila Linzie kagabi na lumabas pa kami dahil natapos na ang midterms week. It was supposed to be Friday na maggagala kami but circumstances happened at the side of Caden kaya na-move ng Sunday ang aming gala. I even thought that it is bad idea dahil kinabukasan nga ng gala namin ay aalis ng maaga but they are too persistent na makagala na kami kaya wala na rin akong nagawa.

Ang ginawa lang naman namin kahapon ay manood sa sinehan dahil showing 'yung show na favorite artist ni Linzie. She even paid for our tickets masamahan lang siya sa panonood. Well, her parents are kind of strict din kasi. Hindi lang halata dahil madalas na nakakatakas ang babaeng 'to para maggala.

Napatingin ako sa pintuan ng aking kwarto nang makarinig ako ng katok doon. Natanggal ang hawak ko sa cellphone at hinintay na makapasok ang nandoon.

"Astraea?" Because of the closed door, I heard my Mom's muffled voice.

"Gising na po ako." With a groaning voice, bumangon ako sa aking higaan habang kinukusot ang aking mata. Kinuha ko ang aking twalya na nakasabit sa likod ng aking pinto at lumabas ng kwarto.

Nandoon si Mama sa tapat ng aking pinto bago ako bahagian ng ngiti. Ginantihan ko iyon ng papikit pikit pa rin ang mata bago unahan na bumaba papunta ng kusina.

"4am pa lang, Ma. Matulog pa po kayo." Nagsalita ako nang maramdaman ang pagsunod ni Mama sa akin.

I heard her sigh, "Malayo ang pupuntahan mo. I just want to make sure na makakaalis ka ng safe."

Natawa ako ng mahina doon habang kinukuha ang mug sa cabinet. Medyo mataas iyon kaya need ko pa kumuha ng upuan para patungan ng aking paa. Hindi ko talaga siya abot. Curse this height.

Mamana na lahat ng anak ko ang mayroon sa akin, huwag lang ang height ko. Maasar lang siya.

"Malaki na ako, Ma. Kaya ko na po sarili ko." Mataman kong sabi before grunting habang nababa sa upuan na pinatungan. Kumuha ako ng kape sa pinaglalagyan namin noon at nagsimula na magtimpla.

"Alam ko." She made me face her after kong matapos matimpla ang aking kape. "But I can't help being worried 'cause you are my only child."

Tinitigan ko ang mukha ni Mama at hindi mapigilan makaramdam ng emosyon nang makita ang maluha-luha nitong mata.

I chuckled para maiwasan ang nararamdaman ngayon. "Ang aga pa, Ma for this but always think that I can handle myself na. I have to kasi hindi naman habang buhay nandyan ka."

She smiled because of what I said at hinalikan ako sa ulo, "And that's why I am so proud of you."

Ngumiti kami parehas matapos kumalas sa aming yakap. Tiningnan nito ang ginagawa ko bago ibalik sa akin ang tingin.

"Are you sure you don't need my help?" Tanong pa nito na ikinatango ko na lang at tinaboy ito.

"Yes, so go and sleep more. May work ka pa ng 7." Natawa ako when she groaned nang banggitin ko ang oras ng pasok niya at pumanhik na sa taas para matulog ulit.

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now