Chapter 2

3.1K 102 9
                                    

Chapter Two

"Hey, that's not nice."

Hindi ko man nakikita ay alam kong nakangisi na ito habang sinusundan ako patungo sa office ng SSC. Napairap na lang ako sa nararamdaman na pagkairita at hindi namalayan na naiwan ko na pala 'yung dalawa kong kaibigan sa may gate.

Too early to be this grumpy.

"I don't care," I muttered at mas binilisan pa ang paglalakad para lamang makalayo sa kaniya. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako naiirita at naiinis ngayong oras.

"Why are you so sungit?" Pumunta ito sa harap ko at nginisian na naman ako na nagpapainit lalo sa aking ulo. Napatigil ako sa paglalakad at sinamaan ito ng tingin.

"Why are you so annoying?" Ganti kong saad at pagod itong tiningnan, "Look, Miss Tuazon. We don't know each other so let's keep it that way—"

"Get to know me, then."

Naputol ang aking pagsasalita ng sabihin niya iyon at hindi mapigilan na mapamura sa isipan habang pinapakalma ang sarili.

"I don't want to. Leave me alone," matigas kong saad at naglakad na paalis at salamat naman dahil hindi na ito sumunod pa sa akin.

"Wow, you're shorter than I thought."

And, that's what I thought.

Galit na bumaling ako sa kaniya ng sabihin niya iyon at kamuntikan na siyang sabunutan kung hindi lang dahil sa maraming estudyante ang tinitingnan na kami.

Muntik ko na itong duruin but because I'm a very patient person hindi ko tinuloy. Masyadong maaga at first day of class, ayoko muna mainis at ma-stress.

Huminga ako ng malalim at sinamaan siya ng tingin, "I'm not short, keep that in mind."

Nagulat pa ito ng makita ang mukha kong galit na nakita nito bago unti unting mapangisi at inilapit muli ang mukha sa akin.

Pinaka ayaw ko sa lahat at 'yung napapansin ang height ko dahil totoong hindi ako pinagpala na matangkad tulad ni Mama. Kung bakit naman kasi mukha lang ang namana ko sa kaniya e.

"Yeah, shorty." Mapang asar na usal nito bago naglakad papalayo not without giving me a wink that made me more infuriated.

"So freaking annoying!" inis kong singhal at nagdadabog na naglakad papasok sa office ng SSC.

Pagpasok ko nga sa loob ay nakita ko pa ang kumpulan ng mga taong officers pero biglang nawala iyon ng makita ang nagdidilim kong mukha at kaniya kaniya silang punta sa table na naka assign sa kanila.

Maingat na lumapit sa akin si Xavier while holding a stack of papers, na sa tingin ko ay tungkol sa mga gagawin na events this year. Tinitingnan ko pa lang e parang napapagod na ako.

"What the freak is this?"

I saw how Xavier grimaced at my tone at kahit na alam ko na ang mga iyon ay tinanong ko pa rin kung ano iyon.

Napakamot sa batok ang Vice President at kinakabahan na inabot sa akin ang mga papel kaya kinuha ko iyon sa kaniya. Una ko agad nakita ang Math quiz bee na gaganapin sa August. Kumunot agad ang noo ko dahil sa nakita na kung bakit tatlo ang kasama namin dito. Pati na rin ang layo naman kung saan ito gaganapin.

Tumango tango na lang ako habang binabasa ang mga nakasulat bago naglakad papunta sa sariling lamesa na naka assign sa akin.

"We're having a meeting later. Kung busy ako, dapat kayo din—"

Nagkasalubong na ang aking kilay ng makita ang hindi inaasahan na pangalan doon sa mga nakasulat sa mga sasama sa event na gaganapin sa Tagaytay. Walang nakalagay kung anong pangalan na event but what made me shook is the name of that imbecile person who called me short earlier.

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now