Chapter 33

1.6K 57 16
                                    

Chapter Thirty Three




"Thanks, Kuya." Bumaling ako kay Soleil before giving her a pointed look, "Rest, okay? Text me when you get home," maagap kong dagdag kaya ngumiti ito bago tumango.

"Yes, baby. I love you," she said before giving me a kiss on the cheeks.

"Mm, love you too." Napansin ko ang pagkunot ng noo nito after kong sabihin iyon. Tiningnan ko ito ng nagtataka at nagtanong,  "What?"

She pouted and looked at the driver na nasa harap niya na para bang nagsusumbong.

"Kuya Andy, she doesn't love me anymore." Ngumuso ito kaya nanlalaki ang mata kong tumingin sa driver nito na natatawang nakatingin lang sa salamin.

"I just said I love you. What the hell?" Nalilito kong saad pero lalo itong sumimangot.

"Bakit walang I doon sa I love you mo?!"

"Ampota."

Napapikit ako sa matinding inis bago huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Masakit paa niyan.

Hindi 'yan gagaling agad if sisipain mo pagmumukha niya ngayon din dahil baka madagdagan pa ang dahilan para hindi nito ma-enjoy ang natitirang dalawang araw ng Sportsfest.

Kumalma ka, Astraea Maureen. Happy thoughts.

Ngumiti ako ng pilit dito bago dampian ng mabilis na halik ang labi nito. I smiled sweetly at her, "I love you, lovey."

Bumalik ang pagkaseryoso ng aking mukha at tinaboy ang mukha nito sa akin, "Now, umuwi ka na at baka hindi kita matansya talaga." Gigil kong saad sa huli kaya natawa ito ng malakas.

Napasimangot ako nang mapagtanto na trip lang ako nito ngayon. Kairita.

Kumaway na ito maya maya nang isara ko ang pinto ng kotse nito bago pumasok sa loob ng gate. Binati ko ang tatlong nagbabantay doon. Akmang kukunin pa nga nila ang aking bag pero hindi ko sila hinayaan dahil hindi naman ito sobrang mabigat.

Naabutan ko na bukas ang ilaw sa living room at nandoon silang tatlo na nakaupo sa sofa at masyadong tutok sa kanilang pinapanood. Nagtaka pa ako nung una at tatanungin na sana sila nang makita ako ni Ate Rica.

"Oh, Astraea. Nandito ka na pala. Ang aga mo ata," saad nito habang nalapit sa akin, hawak ang kaniyang laptop. Umupo ito sa single sofa at doon naggawa ng kaniyang activities.

"Yeah, anytime naman ay pwedeng umuwi. What are they watching?" Tanong ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kinuha ko ang cellphone sa bag para if ever na mag text na si Soleil ay agad kong makita.

"Oh, live streaming."

Kumunot ang noo ko, "Live streaming?"

"Yeah. Trial ng kay Homer Tuazon," walang pakialam na sagot nito pero ako ay agad na natigilan at bumalik sa living room.

Hanggang ngayon ay tutok pa rin sila Mama sa panonood. They're currently watching with both hands intertwined with each other at ang mukha ay puno ng anticipation sa magiging ruling ng judge sa business tycoon.

Tumingin ako sa TV at doon ko nakita sa screen ang side nila Miss Costales at Sidra na parehong naka formal attire habang sa kabilang side nito ay ang tatay niya na naka formal attire din with his lawyer. He looks restless habang ang anak nito ay walang emosyon na nakaupo lang doon pero makikita din ang pagkapagod sa mukha niya.

Dahan dahan akong naupo sa single sofa na katabi nila Mama. Napansin naman nila ako kaya agad ko silang binati before kissing them both on their cheeks. Bumalik kami sa panonood ng makita na ang judge na bumalik sa kaniyang kinauupuan.

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now