Chapter 21

1.7K 64 4
                                    

Chapter Twenty One

I am currently in Miss Ferrucci's office while sitting straight on the sofa. Nakahalukipkip lang ako at hindi nawala ang poker face ko habang ang isa naman ay nakatingin lang din sa akin ng may diin. Napairap ako dahil kanina pa ako dito sa loob ng office niya.

"Are we just going to stare at each other's faces?" Magkakrus ang braso kong saad kaya nang magsalita ako ay umupo ito sa single sofa na nandoon habang may masamang tingin sa akin.

"Care to explain why you are running in the hallways so early in the morning, disrupting every class?" Strikta nitong tanong habang ako ay nanatiling walang emosyon sa mukha.

"I already apologize for that but I won't tell you the reason." saad ko sa mababang tinig at hindi na siya tiningnan.

Matapos kasi ng aming pag uusap ni Soleil ay napuntahan na agad kami nitong pinsan ko na 'to habang hila ang likod ng suot kong uniform papunta dito sa office niya. Hindi naman siya nagtanong kung bakit kasama ko si Soleil kaya hindi na ako nagsalita about doon.

Bumalik naman muli sa klase si Soleil habang napapakamot na lang sa stress nang makita kami nito. Nagbabangayan pa nga kami sa hallways, making some of the students laugh at us. O sa akin lang? Their oh-so beloved President in council is getting dragged by her cousin who is also a President of the university.

She huffed before crossing her arms habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin. "Come on! Why don't you tell me the score between you and that annoying creature?"

"You are so nosy. Mind your own business." I muttered at akmang aalis na when she ordered me to sit back down. May itatanong pa ata.

"Tss, fine. I will not ask about that." She sighed, "Have you met your mother?"

Kumunot ang noo ko, "Did she tell you what happened?"

She heaves a sigh before placing her wine glass on the table. Tanghaling tapat naka-wine na agad siya. Hindi ba siya nagtutubig man lang?

"On how terrible you treat her at your own house?" Sagot nito sa aking tanong habang ako napalayo ng tingin. They can't blame me for reacting like that. Idagdag pa na pagod ako at ganon agad ang makukuha kong balita.

I chuckled, not because of humor, "What? You're going to give me some words of wisdom about how I treat my mother who abandoned us when I was still an infant?" Puno ng sarkasmo ang aking tono habang sinasabi iyon kaya napayuko ito habang nailing.

"I totally understand why you did that. I'm not gonna do that," ngumiti ito bago sumandal, "Besides, I don't give words of wisdom."

"May sasabihin ka pa ba?" I gave her a sarcastic smile and her giving back the same attitude kaya natawa ako sa aking isipan. Magpinsan nga kami.

"None, your highness." She said at bahagyang nag bow bago ako irapan. I chuckled at nagpaalam na sa kaniya.

Nakangiting binuksan ko ang pinto at sa hindi inaasahan ay nandoon si Soleil, na mukhang nagulat din dahil sa bigla kong paglabas. I totally closed the door at dinala ito sa may railings ng hallway dito sa tapat ng office ni Miss Ferrucci.

"What are you doing here? Wala ka ng klase?"

"Still have. I'm just worried kasi dinala ka kaagad dito nung pinsan mo. Is everything okay?" Tanong nito kaya napatango ako. Silence engulfed the both of us, hindi alam ang sasabihin sa isa't isa hanggang sa napatikhim ito habang namumula ang mukha na nakaiwas ng tingin sa akin.

"About what you said earlier..." her mouth curved into a victory smile, "Are you really letting me to...

court you?"

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now