Chapter 30

1.7K 73 18
                                    

A/N:
Gustong gusto niyo na ba masaktan at pinagmamadali niyo akong mag update?














Chapter Thirty






"Hoy, aba!"

Nakaramdam ako ng kutos sa aking ulo habang hawak hawak ko pa rin ang kutsara at tinidor dito ngayon sa hapag ng aming bahay.

Si Ate Rica lang naman ang gumawa noon sa akin kaya hindi ko mapigilan na samaan ito ng tingin.

Tinuro nito ang plato kong may laman na pagkain pero hanggang ngayon ay hindi pa din nagagalaw, "Hindi mismo ang kutsara ang kukuha ng pagkain mo d'yan sa plato mo. Kanina ka pa nakangiti, ha?"

"Masama na bang ngumiti ngayon?!" singhal ko kaya saglit itong natigilan sa aking pagsigaw bago mapalitan ng inis ang kaniyang mukha.

"Aba'y oo lalo na kung kanina pa naghihintay 'yang pagkain na kainin mo!" balik na singhal nito habang ako ay hindi na nakasagot. Kung inis ako ay mas inis naman siyang tingnan ngayon.

"Hey..." sabat ni Mama, "Huwag kayo mag away d'yan sa harap ng pagkain," suway nito kaya lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang maliit na ngiti nito dahil sa bangayan namin ni Ate Rica ngayong umaga.

"Ito kasi!" Angil ko pa kaya akmang babatuhin na ako nito ng kung ano nang mapigilan na ito ni Melissa.

"Stop throwing things," malamig na usal nito pero inirapan lang ito ng isa kaya nakita ko ang hindi makapaniwalang tingin sa kaniya ni Melissa.

"How's the date last night, figlia?" Tanong ni Momma dahilan ng pagliban ko ng tingin kay Melissa at Ate Rica. Dahil naman sa tanong nito ay naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi bago mapatungo.

"It was good," sabi ko habang nakangiti ng nahihiya. Nakita ko naman ang pagsilay ng mga ngiti sa kanila bago napapailing dahil sa aking naging reaksyon.

"Is it good?"

Nagulantang ako, "P-Po?"

Katulad ko ay nagulat din ito sa aking naging sagot sa kaniya. Napakamot ako sa aking kilay.

"I mean, what do you mean?" Tanong ko bago tumawa ng ninenerbyos. Narinig ko naman ang mapang asar na tawa ni Melissa sa harap ko. Pasimple kong sinapa ang paa nito sa ilalim ng lamesa kaya napadaing ito.

"Are you okay?" Tanong ni Mama habang nakatingin kay Melissa na sapo ang paa na sinipa ko. Pinanlakihan ko ito ng mata nang tumingin siya sa akin. Walang nagagawa na tumango ito at nginitian ng pilit si Mama.

I let out a smile at tumingin kay Momma, "Anyways, what I meant was the food. Is it okay?" Pag uulit nito sa tanong kanina habang ako ay namumulang napailing dahil sa aking naisip.

Iba kasi 'yung naisip ko kanina nung nagtanong siya. Aba, malay ko ba na 'yung food pala ang tinutukoy niya. Akala ko kasi ay nakita na nito ang nangyari kagabi.

"Of course! It was good! Did you make it?" Tanong ko pero umiling ito na nagpakunot ng noo ko. "Then, who?"

"It was your girlfriend. She came here during her vacant then she asked me if I could help her. Can't say no to that rascal." Umiling iling pa ito bago sumubo ng sunny side up egg na niluto ni Mama.

Napaawang ang bibig ko sa nalaman bago mapaisip. Akala ko hindi siya galing dito kasi ang alam ko, may klase siya ng umaga. Kahit sa hapon ay alam kong may pasok ito depende na lang kung pinauwi agad sila or hindi talaga nagturo ang prof nila.

"Have you told her about the dinner later?" Tanong ni Melissa habang sumisimsim ng kape bago mapangiwi at tumingin sa ina. "It's bitter! Is that robusta?" Bahagya pa nitong nilabas ang dila at parang pait na pait sa ininom na kape bago uminom ng tubig.

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now