Chapter 25

1.6K 64 10
                                    

Chapter Twenty Five



Staring at the mirror, I heave a sigh as I observe my face through it. I caress the necklace that I am wearing na ibinigay lang sa akin ni Soleil the time when she sang on that restobar.

I was the happiest while I let her na isuot sa akin ito. I still remember the exact words she said the moment na isinusuot niya ito sa akin.

"I hope that everytime you wear this, it brings a smile to your face and reminds you how much you mean to me."

I was happy and feeling, I don't know, there is a lot of emotions within me that time tapos pagdating namin sa bahay, noong ihatid ako ni Soleil, everything went down.

I don't know what to do. My heart tells me not to do that but my brain and the guilt is consuming my own being. Lahat ng sinabi ni Mama nung gabi na iyon ay kinakain pa rin ang buong pag iisip ko. Hindi ako makausap ng ilang araw dahil doon at nagkaroon ako ng isang absent dahil doon.

Napatalon naman ako sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Hindi ako nagsalita kaya bumukas lang iyon at nakita ko si Melissa na nakabihis na din tulad ko.

She gave me a soft smile, "You ready?"

I just gave her curt nod before standing up matapos marahan na bitawan ang kwintas na hawak ko lang kanina. Hinanap ko ang purse na dadalhin ko ngayon habang naramdaman ko ang yabag ni Melissa na papunta sa akin.

"You know that you don't have to go if you're not feeling well, Astraea." Marahan na saad nito bago maupo sa dulo ng aking kama ng nakaharap sa akin. She is wearing a v-neck black na bodycon dress that hug her curves habang nakalugay ang kulot na blonde na buhok nito. Carbon copy ito ni Mama kaya saglit akong napangiti.

"I was personally invited by the lady, Melissa." Tugon ko at saglit na ngumiti bago tumayo ng tuwid nang makuha na ang purse.

"Still—"

"Bihis at nakapag make up na ako, please lang." Sabi ko ng medyo natatawa pero mukhang seryoso talaga ito dahil puno pa rin ng concern ang kaniyang mukha. "I'm fine, please. Let's just go."

She eventually sighs bago tumango at pinauna akong palabasin sa akin kwarto. Nang makalabas kami ay nadatnan namin ang aming magulang na nakaabang sa sala ng bahay. Pareho na nakaupo ito at halatang inaantay ang aming paglabas.

When they heard our footsteps na pababa ng hagdan ay agad silang tumayo at sinalubong kami ng maliit na ngiti sa labi. Naunang lumapit sa amin si Momma at proud na tiningnan kaming dalawa ni Melissa.

"Santo cielo! Le mie figlie sono così belle! Come here." Momma muttered kaya sabay kaming naglakad papunta dito bago kami yakapin pareho. Pagkalas nito ng yakap sa amin ay hindi nawala ang malawak na ngiti nito sa amin.

"You're overreacting, Momma. It's not like this is the first time you've seen me like this." Melissa whined dahil muli kaming niyakap na may kasamang pagyugyog.

Natawa na lang ako sa ginawang akto nito at nanahimik. I don't feel like talking right now lalo na at nakatingin lang din sa amin si Mama ngayon. Nakangiti siya pero parang may mabigat na dala dala ito nang tumingin sa akin.

"Ma, come here and hug us too. I'm sawa na to this woman right here." Tinuro ni Melissa si Momma, na nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa anak, naguguluhan.

"What's sawa?" Hindi ito sinagot ni Melissa kaya tumingin ito sa akin ng nagtatanong. Nagkibit balikat na lang ako at bumaling kay Mama, na ngayon ay papalapit na sa akin.

Foolish Heart (Eastwood University Series #3)Where stories live. Discover now