Chapter 05: Grade 1 Adventurer

40 9 0
                                    

Chapter 05: Grade 1 Adventurer

Lake's Point Of View

Nasa Lv. 18 na ako ngayon. At base sa antas ng mga kalaban sa paligid, malaki ang lamang ko kung ikukumpara sa kanila.

Six of them were Lv. 10 fighters while the other six are Lv. 12 archers. Killing them off was the objective of the quest.

Bumaba ako sa wagon at ang matandang ito naman ay pinatago ko muna roon sa pagitan ng mga gamit niya.

"Hoy, hoy. Umalis ka na rito, bata. Kung gusto mo pang mabuhay, wag ka na lang makialam pa rito at iwan mo na sa amin ang karitong 'yan. Isama mo na rin 'yong matanda." Sabi naman ng isa sa bandido.

Kung poprotektahan ko ang kariton at ang matanda. Kinakailangan kong unahin ang mga archers sa paligid. Ang kaso. Hindi sila madaling hagilapin at malamang bago ko pa man mapatumba kahit isa sa kanila, maiiwan ko rito ang matandang ito rito at paniguradong mas malalagay siya sa panganib kapag nagka-gano'n.

Kailangan ko ng plano. Kahit mag-isa ako, walang pwedeng pagpilian kundi ang mag-isip ng kilos na pwedeng lusutan.

Kapag pinaandar ko naman ang kariton. Hindi malabong puntiryahin nila ang kabayo gamit ang mga palaso sa magkabilaang direksyon.

Isa lang ang daan palabas sa gulong ito.

Kailangan ko lang bilisan.

Ang bilis ko ang tanging susi para magtagumpay ako.

Muli akong tumuntong sa kariton at pinagmasdan ang paligid ko. Lalo na roon sa gubat. Minabuti kong pag-aralan ang lokasyon ng bawat isa para magawa ko ng maayos ang pagkilos.

Okay! Nakuha ko na!

"Ayos! Simulan na natin!" Sigaw kong tila nakalimutan na seryoso pala dapat ang atmospera sa labang ito.

"Aba. Hindi ka nakikinig ha. Kung gano'n, bahala ka. Desisyon mo na rin 'yan kaya't mama--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nila nang maglaho ang afterimage ko na nakatayo sa kariton na iyon.

Nagulat silang lahat dahil do'n. Maski na ang archer na nagtatago rito sa gilid ng puno. Kaya't nang lumitaw ako sa gilid niya, agad niyang itinutok sa akin ang palaso subalit diretsahang suntok sa gitna ng mukha ang natanggap niya.

Tila kidlat sa lakas at bilis ang atakeng iyon na tumama pa sa puno ang ulo niya't malakas din itong nagkadurog-durog.

You killed a Lv. 12 Archer Bandit!

Exp gained: 100 XP

Nagulat iyong dalawa na nandito rin sa bahaging ito ng gubat kaya't mabilis na pinuntirya ako ng mga palaso nila. Pero nakatago agad ako sa isang puno at nagsilagpasan lang ang mga palaso nila habang ang iba ay tumatama sa punong ito.

Hindi rin ako nagsayang ng sandali at mabilis na nag-dash palapit sa kanila. Sa bilis ko'y nataranta agad silang umatras, ngunit nahabol kong nahawakan sa buhok ang isa sa kanila. At sabay ng hila ko, sinalubong ng mukha niya ang tuhod ko.

Sa lakas no'n, durog agad ang mukha niyang balot ng dugo. Paikot kong sinipa sa sentido at bumangga naman sa puno't doon nawalan ng malay.

You killed a Lv. 12 Archer Bandit!

Exp gained: 100 XP

Nagpakawala ng isa pang palaso ang natira sa kanila, pero nasalo ito ng kamay ko't paikot na ibinato pabalik sa kanya. Sinubukan niyang salagin 'yon ngunit mas mabilis na tumarok at tumagos sa noo niya ang palaso't kanya ring agarang ikinabagsak.

OakMarian GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon