Chapter 08: Ice Dungeon Raid • Part 1

41 7 0
                                    

Chapter 08: Ice Dungeon Raid • Part 1

Lake's Point Of View

"Ha?! At sino ka namang pakailamero ka, ha? Umalis ka nga rito!" Sinubukan nitong iwakli ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa pulso niya kaya't binitiwan ko nga rin ito.

Masama niya akong tinitigan. Tila umuusok ang ilong na pinandidilatan ako ng mata. Tinitigan mula ulo hanggang paa. "Ano bang problema mong hayop ka? Hindi mo ba ako narinig?"

I remained silent. Did not show any signs of emotion towards him. Then the end of my lip jerks. "I want you and your men to go somewhere else other than pester my friends. That would be greatly helpful, thank you."

"Dude. That's what we are offering here. Kaya wag ka ngang magpaka-bayani kung wala ka namang alam. Akala mo naman kung sinong malakas. Tingnan mo nga 'yang level mo. Alis na!" Then he tried pushing my head away to the side.

But before he could even do that, kidlat sa bilis ko itong nasuntok sa sikmura. A clean, impactful punch that vibrated through all his nerves up to the brain.

Napasuka ito ng dugo. White eyes and started losing strength from both knees. Napaluhod ito't doon ito napaungol.

Ramdam kong nababalot ng pulang enerhiya ang kamao na ginamit ko. I did not remember infusing my attack with energy like this. Pero nararamdaman kong nanggagaling ang enerhiyang ito sa loob ng knapsack na dala-dala ko.

"Woah. Is he alright?" Alea asked. She's not pitying the guy on the ground. She's just amazed by the sight of it. Lisa remained silent.

Nang titigan ko ang ibang kasamahan ng lalaking ito. Lahat sila'y napaatras. Tila nakaramdam din ng pagkabahala sa nangyari sa lider nila.

Kaya't ngiti ko silang tiningnan. "Thank you."

Hinila na ni Lisa ang kaibigan paalis doon at walang sinuman sa mga lalaki ang nagtangkang pumigil sa kanila. Nag-iwan naman ako ng potion sa tabi ng lalaking iyon bago ito iniwan sa mga kasamahan niya.

Nakalabas kami sa town at hindi pa rin humihinto si Lisa sa pagkakaladkad sa kaibigan. Nakasunod ako sa dalawang ito habang nakapamulsa. "Going for a dungeon raid? Let me help."

"No, thanks. Kaya na namin 'to." Lisa replied, not looking back.

Nilingon naman ako ni Alea and her expression clearly says the opposite. "Kuya Lake! Sama ka na, bilis!"

Natawa ako. "But your friend said I'm not needed. I think I'll just head back to the town." At nang akmang babalik na ako sa bayan, nakawala si Alea sa hawak ng kaibigan at tinakbo ako.

"Kuya naman eh! Nag-pramis ka sa 'min na tutulong ka, di ba?" She grabbed me back at pinasabay kay Lisa sa paglalakad. "wag kang mag-alala, masaya si Lisa na nandito ka. Di niya lang pinapahalata, hihihi!" She whispered. As if hindi ito naririnig ng kaibigan.

Huminto si Lisa at hinarap naman ako. "Okay. Fine. Sumama ka. Pero wag kang aasang may maibibigay kaming kapalit sa 'yo. Kaya't kung may iba kang motibo para rito--"

"Anong difficulty ba ang dungeon na papasukin natin?"

"Nasa Rank B 'yon eh."

"Sounds difficult lalo na't dalawa lang kayo."

"Sinabi mo pa."

"Are you even listening to me?!" Lisa shouted nang iniwan namin ito ni Alea na nakikipag-usap sa hangin.

Nang marating namin ang dungeon gate sa pagitan ng mga boulders dito sa plain ground. Napabuntonghininga naman ako. "Kung gano'n, ito na lang ang kailangan niyong i-clear na dungeon bago niyo matatapos ang Town's Party Quest, gano'n ba? Ano namang rewards ang makukuha niyo?"

OakMarian GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon