Chapter 06: A New Objective

45 6 0
                                    

Chapter 06: A New Objective

Lake's Point Of View

Nag-log-out na muna ako sa laro matapos kong matanggap ang lahat ng mga achievements na iyon.

Tinanggal ang Nervegear sa ulo at nagpahinga na muna para sa gabing ito.

When the morning came.

Nasa hapagkainan na ako at kakatapos ko lang na maligo at kumakain ng cereal. "Good morning, anak. Maaga ka yata ngayon." Kakababa lang ni mama mula sa kwarto nila ni papa.

Dumiretso ito sa ref at kinuha ang pitcher at nagsalin ng tubig tsaka uminom.

"Hindi ako maaga, ma. Late na po kayong nagising." Saad ko naman.

"Ah. Yeah." Sabay silip nito sa kaniyang relo at tumingin sa aking muli. "balita ko, malapit na ang next school year. Sigurado ka bang ayos ka lang na mag-aaral as a first year highschool?"

"Tinatanong pa ba 'yan, mama?" Sagot ko naman na nakangiti. A little curious kung bakit niya nasabi iyon.

"Worried lang naman kasi ako sa 'yo."

"Why?"

"Eh kasi naman, anak. Dapat sa edad mo ngayon, nasa college ka na. But here you are, nang dahil d'yan sa sakit mo, naiwan ka na ng buong batchmates mo. You might get closer to bullies. Tapos kapag na-depress ka, baka bumalik ulit sakit mo-- oh I really hope not!"

Napangiti naman akong tumayo. Nilapitan si mama at niyakap ito ng mahigpit. "Sa tingin ko, kayo ni papa ang dapat na mag-ingat mama. Mas malaki ang tiyansang kayo ang mas ma-depress kakaisip sa sitwasyon ko kapag ganito kayo lagi mag-isip. Be positive lang tayo dapat."

"Well. Hindi ako made-depress, ang mama mo lang." Sabat ni papa na kakalabas lang ng garahe. "Morning, kiddo." He added, at siya na 'yong kumain sa natira sa cereal ko.

"Hoy. Kung gutom ka, mag-timpla ka ng sa 'yo." Sita ni mama rito kaya't napangiti na lang ako.

"See? Dad's not worried at all." Sabi ko ulit na tiningnan si mama sa mata. "isa pa, kapag may nambully sa 'kin, bakit ko naman sila papansinin? Maybe I can bully them back if I want. And I'm gonna do it eventually if necessary."

"Go, kiddo." Dad cheered kaya't sinamaan ulit siya ng tingin ni mama, which I only giggled.

Then mom looked at me again. "Hindi ka dapat mambully. Wag kang makinig sa papa mo. Siraulo 'yan dati pa."

"Still, you married me." Bulong ni papa. Itong dalawang 'to talaga, daig pa ang teenagers kung magkulitan umagang-umaga.

"The point here is, I'm stronger than you look, mom. Hindi na ako mahina. Hindi na ako sakitin. I am reborn. This is a second life so let me prove it to you. Isa pa, sino bang magtatangkang umaway sa 'kin eh napakatangkad ng anak niyo? They'll be intimidated before they can even do wrong."

"True." Dad responded.

Kaya't napabuntonghininga na lamang din si mama at inabot ng dalawang kamay nito ang magkabilaang pisngi ko. He looked at me in the eyes and she sweetly smiled. "Oh sige na nga. Hindi na kita kukulitin. Gusto ko kasi sanang dito ka na lang sa bahay mag-aral pero, mukhang minaliit nga talaga kita. Malaki ka na nga talaga. Tandaan mo lang na proud na proud ako sa 'yo."

I smiled back. "Thank you, mom."

"Hoy. Di n'yo ba ako isasali sa usapan n'yo? Ang labo naman, parte pa rin ako ng pamilyang 'to." Dad said kaya't natawa na lamang ako.

After kong makapag-almusal. Nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay upang mag-grocery.

Busy sina mama at papa dahil kakaalis lang nila. Since the day I got out of the hospital, doble ang kayod nila sa dating trabaho bilang architectures. Kahit kasi puro sila professionals, being confined for seven years as a cancer patient, hindi pa rin madali ang pinagdaanan nilang hirap mapanatili lang ang utak nila sa trabaho at sa pag-aalaga sa 'kin.

OakMarian GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon