Chapter 01: Guest Player

83 10 0
                                    

Chapter 01: Guest Player

Lake's Point Of View

"Sigurado ka bang magiging ayos ka lang do'n, anak?"

I hugged my mother and smiled. "Wag po kayong masyadong mag-alala, mama. Kina June naman ako bibisita at hindi rin naman ako magtatagal."

"Pero. Ang sabi ng doktor, kailangan mo pa ng mas mahabang pahinga."

"I'm fully recovered now. Sapat na po ang isang buwan na pagpapahinga ko. Gusto ko naman po munang lumabas." Saad ko rito.

"Let him be. Malaki na anak natin, I'm sure kaya na niya ang sarili niya." Sabat din naman ni papa. Kakagaling lang nito sa loob ng bahay namin at niyakap din ako. "be safe, kiddo. Mag-enjoy ka lang hangga't gusto mo. This is a new life. Cherish it. But don't get drunk okay?"

Dahil do'n, sinapak ni mama ang braso ni papa na akin din namang ikinangiti.

After one last hug. Hinayaan na nila akong pumasok sa nakahintay na bus at sinundan ng tingin hanggang sa makalayo na rin ako.

I'm just visiting my cousin from the other city, it's no big deal. Normally it wasn't. Pero dahil nga alam nina mama at papa kung gaano kami naghirap noon dahil sa sakit ko, it serves as a long-term trauma to them and also for me dahil baka muli iyong bumalik.

Kahit ako, natatakot din naman sa kalagayan ko. But right now. I don't want to cloud my excitement with fear dahil gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko sa pagbisita sa pinsan ko.

Kapag naman siguro mag-iingat lang ako. I'm sure everything will turn out great. Isa pa, kailangan ko ulit pumasok sa school ngayong susunod na pasukan. I have so many things to catch up. I am already 18 at papasok pa rin as a first year student. It's a bit embarassing, honestly. Pero ano ba gagawin ko? Masyadong matagal ang pagkakasakit ko.

But for now. Hindi ko na muna iyon iisipin. I'll just live with the moment and enjoy. And like my father said, no drinks.

Mahaba ang byahe.

Narating namin ang first terminal mga 3 hours after departure from my house. Bumaba ako at doon naman sumakay sa isang bus na papunta naman sa mismong terminal malapit sa residence ni June.

I slept for almost another three hours at nang sumigaw ang konduktor na nasa terminal na kami, agad akong nagising at dala agad ang backpak na lumabas doon.

"Siya na ba 'yon?"

"Ewan."

"Tulungan mo naman ako!"

"Bakit mo ba kasi ako dinala rito?"

"Baka naligaw na iyon!"

"Halika. Baka nando'n sa kabilang bus bumaba."

"Wait! Parang siya na 'yon oh!"

"Saan?"

"Ayon! 'Yong matangkad na pogi! May black backpack! 'Yong maputi tsaka naka-salamin!"

"Tsk! Hindi 'yan gwapo ano ka ba?"

"Asus! Ganyan ka lagi eh. Tapos di mo maalis titig mo. Ewan ko sa 'yo."

I turned to the corner kung saan ko naririnig ang dalawang babae na nagbubulungan. Are they talking about me? I mean ayoko namang maging assuming pero naka-salamin din kasi ako. Black din ang backpack ko and I am also tall. Even taller than my dad na 6'2 ang height.

They are in their school uniform. Mini-skirt. Naka-black na sweater 'yong isa habang ang isa naman ay brown ang jacket.

The one on the right looks too serious. Itim ang buhok at naka-ponytail. While the one on the left had short brown hair na hanggang balikat. May hawak itong cardboard na may nakasulat na 'Welcome, Kuya Lake!'.

OakMarian GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon