22: Accident kiss

8.7K 228 1
                                    

Dusty's Point Of View
--

"Nakuha mo na ba lahat ng itinuro ko sayo?" tanong nya sakin. "Medjo hindi pa lahat pero kabisado ko naman yung iba." sagot ko naman sa kanya.

"Okay let's start from the top." anunsyo nya at agad naman akung sumunod. Ginawa ko yung tinuro nya sa akin tapos naki sabay na ako sa mga tricks nya. Ilang oras narin kaming nag pra.practice ni Darryn dito sa garden malapit narin mag gabi pero kahit ganun tuloy parin kami sa pag practice. Pagod narin ako at masakit narin ang kamay ko dahil sa kakahagis ng wooden bottle minsan nga nahulugan yung kaliwang paa ko ng wooden bottle buti nalang hindi masyadong masakit.

"Bukas na ulit tayo mag practice gabi na." tapos umalis na sya sa garden habang naiwan ako dito ng naka tayo. Dumito muna ako dahil gusto ko munang mag pahinga kahit konti man lang. Umupo ako sa isa sa mga bench dito tapos tunghay ako sa langit. Kulay orange na ang kalangitan at malapit narin mag gabi. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naka tingin sa langit ang ganda kasi eh tapos may mga ibon pang lumilipad.

Feeling ko ang gaan ng araw ko ngayon hindi ko alam kung bakit. Naalala ko tuloy si Darryn yung hinawakan nya ako kanina habang tinuturuan nya akung mag bartending. Ang gaan lang sa pakiramdam na hawak ka ng taong mahal mo kahit sya hindi ganun ang nararamdaman para sayo.

Hay hanggang kailan ko kaya to maitatago ang nararamdaman ko para sa kanya? Parang habang tumatagal lalong lulalim ang pag tingin ko sa kanya.

"Meron bang makapagsasabi iniisip kita. At meron bang may alam na laging hinahanap ka. Kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba. Na ako ay may lihim na pagsinta."

Napa kanta ako habang naka tingin sa kalangitan. Hindi ko maiwasan mapaiyak dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ang hirap kasing itago eh, lalo na't nandyan lang sya sa tabi mo pero hindi mo kayang sabihin dahil natatakot ka na baka pag nalaman nya ang totoo baka babaliwalain ka lang nya lako or worse baka hindi kana talaga nya pansinin o kibo man lang, ayokong mangyari yun.

Hay ba't kasi ang hirap nang sitwasyon ko? Nakakabaliw na talaga! Pero mas nakakabaliw ang pag-ibig. Ang saklap.

"Why are you crying?" nagulat naman ako ng mag salita sya bigla sa tabi ko. Agad kung pinunasan ang mga luha ko.

"Ah, ano napuwing lang ako malakas kasi ang hangin." pag dadahilan ko. Napa taas naman ang kilay nya parang hindi sya na niniwala pero agad naman syang umiwas sa tingin ko tapos naka tingin na sya sa langit.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya ang gandang lalaki kasi nya eh. Bigla nanaman bumilis ang tibok ng puso ko. Pag nasa tabi ko sya lagi nalang ganito ang nararamdam ko, pag kinakausap nya ako o titingnan bigla nalang ganito..

Ganito ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Nagiging abnormal ang heartbeat ng puso mo?

Darryn's Point Of View
--

Bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing lalapit ako sa kanya o titingnan ko sya? Biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. May sakit ba ako sa puso? O di kaya? Pero imposible naman ata kung ganun ayoko pang maramdaman ulit yun ayoko pa kasi baka lokohin nanaman ako katulad ng babaeng minahal ko noon. Ayoko na yung maramdaman baka hindi kuna nakayanin pa.

Kaya nga babae doon babae dito ang ginagawa ko para makalimutan ko ang lintek na pag ibig nayan. Ayokong mag seryoso sa pag ibig hindi pa kasi ako handang masaktan.

Pero bakit ganun? Sa tuwing makikita ko ang babaeng to iba eh, parang kakaiba talaga ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan ito nag simula.

Nung nakita ko syang umiyak kanina parang may kumirot sa puso ko. Parang feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit sya umiyak. Ano bang nayayari sakin? Hays! Ang sakit talaga sa ulo ng babaeng to!

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon