27: Mental Problem

7.5K 212 0
                                    

Dusty Point of view
--

"Bakla magkatabi ba kayong matulog ni Darryn?" Si Martin.

"Masarap ba sya pag gabi?" Si Jill.

"Anong ginagawa nyo pag kayong dalawa lang?" Si Martin uli.

"May nangyari na bang part two sa inyong dalawa?" Si Jill uli.

"Malaki ba?"

"Masarap ba ang abs nya?"

Sunod sunod na tanong nila sa akin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa kanilang dalawa. Kanina pa sila ganyan sakin mag mula ng makita nila si Darryn kanina dito sa baba.

Nakakayamot ang mga tanong nila. Pati private life ko ay tinatanong ng mga bruhang ito. Sarap din nilang kutusan. Hay kung di ko lang to mga kaibigan pinalayas ko na sila dito sa pamamahay ko.

"Teka lang mga friend ha? Isa isa lang pwede? Mahina ang kalaban eh." Pigil ko sa kanila. Nasa sala kami ngayon habang nag uusap. 

"Dali na kasi kanina pa kami tanong ng tanong sayo ni isa sa mga tanong namin wala kapang matinong sagot." si Jill habang kumakain ng chips. Umirap ako sa kanila. Hay masisira na yata ang ulo ko sa kanila.

"Nga bakla bandila na, 'yung mga mata namin namumuti na. Kanina pa kami nag hihintay sa sagot mo." Rerlamo naman ni Martin.

"Eh, paano naman kasi ako sasagot sa mga tanong nyo eh sunod sunod! Pwede isa isa lang?!" inis kung tugon sa kanila sabay kuha ng chips tapos tumingin ako sa ibang direksyon. Kunwari napipikon ako sa kanila para hindi na nila ako tanungin pa. Masyado kasing mahirap ang mga tanong nila sakin.

Bigla lumpit sa akin si Jillianne at Martin tapos hinawakan nila ang balikat ko.

"Uy bakla naman eh, tampo tampo ang show mo ha? Akala mo ba madadala mo kami sa acting mung 'yan? Hindi ka pang best actress friend."

Tss! Wow ha? Thank you Jill. Napaka supportive mo talaga.

"Oo nga hindi mo kami madadala sa acting mung 'yan girl sagutin mo na ang mga tanong namin para walang sakit sa katawan, you know us girl." segunda naman ni Martin sabay taas baba ng kilay nya.

At hinarap kuna sila kasi wala na talaga akung takas sa kanila. Takot ko lang hampasin nila ako sa mga mabibigat nilang kamay sa balikat leche ang sakit lang. Ganyan sila pag hindi ko sinagot ang mga katanungan nila hahampasin nila ako kaya hito yes nalang!

"Oo na oo na bwiset wala naman akung choice eh!" sabi ko sabay cross arms tapos lumayo na sila at nakangiting aso na sila sa akin sarap nilang kutusan eh! Naisahan nila ako.

"Oh, ano na ang tanong nyo? Paki bilisan baka mag bago pa ang isip ko." at ayun nag tanong na sila sa akin ng kung ano ano. Sinagot ko na talaga ang mga tanong nila. Minsan kilig na kilig sila sa sagot ko minsan naman naiinis sila kasi ang slow ko daw bakit daw hangggang ngayon wala pang part two na nagaganap sa pagitan namin ni Darryn. Binatukan ko naman sila isa isa dahil ang dumi dumi ng mga utak nila puro SPG ang mga sinasabi nila sakin. Nakakaloka lang talaga.

Nang matapos na kami sa pag chikahan nakaramdam na kami ng gutom kaya agad kaming pumunta ng kusina para mag luto. Since HRM daw ako, ako daw ang magluluto tutulungan nalang daw nila ako. Pumayag naman ako kaya ayun balik chikahan overload nanaman kami habang nag luluto kami.

Nang matapos akung magluto sabay sabay na kaming kumain. Ang iingay talaga nila kahit nasa hapag kainan na kami. Tumahimik lang sila bigla ng makita nila si Darryn at umupo sa tabi ko. Sila Martin at Jillianne naman nasa kabilang side.

Ni isa samin ay hindi umimik tila mo'y may angel na dumaan sa harap namin. Kani kanina lang para sila nasa palingke ang ingay masyado ngayon para na silang napipi ni hindi kumikibo ang dalawa. Anyare?

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon