38: Ice Cream

6K 167 2
                                    

5 months later..

Dusty's Point of view
--

Limang buwan na kaming mag kasama ni Darryn simula ng naging asawa ko sya. Sa limang buwan naming pag sasama, nandoon ang lungkot, saya, kilig, at higit sa lahat ang pagmamahal na binuo naming dalawa. Sa limang buwan din naming pagsasama meron din hindi pagkakaunawaan namin sa isa't isa. May tampohan, meron din iyakan. Iyakan kasi pag hindi nya ako kinakausap umiiyak ako pag hindi nya ako kinikibuan ayon todo sakit nanang dibdib ko. Pero kahit na umiyak ako ang kasunod naman 'yon ay kilig at saya.

Hindi naman kasi lahat ng couple hindi dumadaan sa lungkot diba? Lahat naman tayo umiiyak pag 'yong taong mahal natin hindi ka nya magawang kibuan o kausapin man lang dahil sa hindi pagkakaunawaan ninyong dalawa. Pero kahit ganun, lalo kaming matatag sa isa't isa. Kahit nag aaway kami o di kaya may mga bagay na kinasasakit naming dalawa. Still buo parin ang pagmamahal namin at hindi nayon magbabago kahit kailan. Sana nga hindi na magbabago ang pagtitinginan namin sa isa't isa.

"Lalalala.." kanta ko habang naghihiwa ako ng karne para sa lulutoin kung dinner namin ni Darryn. Ako kasi ang incharged ngayon sa pagluluto kaya ako nandito sa kusina. Hindi pa umuuwi ang yeobo ko kasi may practice pa sya para sa darating na singing contest sa department namin. Sya kasi ang representative ng buong Hrm department kaya ayon baka gagabihin na s'yang umuwi ngayon. Miss ko na nga ang yeobo ko kahit na palagi naman kaming nagkikita.

Hay! Mamaya ko nga iisipin si Darryn baka hindi na ako matapos ang pagluluto ko mahirapan na baka dumating nayon. Sigurado akung pagod kaka practice ang ang asawa ko.

So ayon nag fucos na ako sa pagluluto ko ng dinner. Ilang minuto ay may biglang pumulupot sa bewang ko. Pabango palang ulam na, ay este ang bango na. Napangiti naman ako ng wala sa oras.

"I missed you." bulong nya sa tainga ko in a husky tone. Nakikiliti ako dahil sa ginawa nya kaya humarap ako sa kanya. Nakangiti sya sa aking habang nakapulupot parin ang mga kamay nya sa bewang ko.

"I missed you more, yeobo." sabi ko sa kanya. Ngitian nya ako ng pagkatamis tamis. 'Yong puso ko naman sobrang kinikilig na alos gusto nya nang lumabas dahil sa binigay na ngiting pamatay ni Mr. Herdenson.

"Mag bihis kana ang baho mo na kasi." pagbibiro ko sa kanya. Tumawa lang sya tapos tiningnan nya lang ako sa mata.

"Mabaho pero mahal mo naman," segunda nya pa sabay killer smile sa akin. Tukneneng 'yong panty ko malapit ng mahulog dahil sa ngiti nya sa akin. Damnit!

"Hehe! Oo na mahal na kita kaya mag bihis kana kasi kakain napo tayo Mister." sabi ko sa kanya.

"Okay, love.." sabay halik nya sa pisngi ko tapos umalis na sya. 'Yong mukha ko naman sobrang init nanaman kulang nalang eh dito na ako mag luto ng ulam. Grabi talaga ang epekto sa akin ni Darryn, hindi ko na talaga ma take. Juskolored.

Nang matapos akung magluto kumain na kami. Pagkatapos naming kumain kaming dalawa ang nag hugas ng mga pinggan. Ang kulit nga ni Darryn kasi lagi nya akung pinatatalsikan ng bula kaya ayon naghahabolan kami sa loob ng kusina. Para tuloy kaming mga bata dahil sa pinag gagawa namin. Nang matapos kami, nag pahinga muna kami sa sala. Nag babasa nanaman sya ng libro habang ako nakahiga sa dibdib nya. Paminsan minsan ganito ang routine namin pareho.

Minsan din pag may assignment kami sabay sabay namin yong ginagawa dito sa sala. Pero pag wala naman, eh heto ang ginagawa namin. Nang bumibigat na ang mga mata ko agad ko itong pinikit at naka tulog na ako sa dibdib nya. Nang mag umaga nandito na ako sa kwarto ko. Palagi nalang ako binubuhat ni Darryn pag nakakatulog ako tabi nya. Buti nalang hindi sya nabibigatan sa akin.

It's Saturday kaya napag desisyonan kung mamasyal sa bahay namin. Tagal narin hindi ko nabibisita sila mama at papa sa bahay namin. Tsaka pa hindi narin ako dumadalaw sa lolo kung namatay dahil sa atake sa puso. Ngayon ko lang naalala na anniversary pala nya ngayon. Hindi ko pa nabanggit sa inyo noon to dahil ngayon ko lang sya naalala. Pag pasensyahan sana ako ni Lolo. Dadalawin ko nalang sya mamaya sa sementeryo pag katapos kung maglinis ng bahay.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon