26: Visit

7.8K 186 0
                                    

Dusty's Point of view
--

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama mula sa mga mata ko. Tatayo na sana ako para pumunta ng banyo ng makita ko si Darryn natutulog sa tabi ko. Biglang bumilis ang tibok ko at parang natulala ako bigla. Bakit nandito sya sa kwarto ko? Anong ginagawa nya dito?

Nakita ko naman na may gamot sa ibabaw ng lamesa ko tapos may bimpo sa noo ko. Teka? Nag kasakit ba ako kagabi? Bigla s'yang gumalaw kaya nataranta akung humiga ulit sa kama ko tapos nag tulog tulogan.

Omeged! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako na hinawakan nya ang noo ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng hawak lang nya. Ilang segundo ay hindi nya na hinawakan ang noo ko at narinig ko nalang ang pinto ng kwarto ko na bumukas at sinarado nya na ito. Mukhang lumabas na si Darryn kaya agad akung napamulat.

Ang lakas parin ng tibok ng puso ko para akung tumakbo ng pagkalayo layo dahil sa bilis ng pag tibok nito. Ano kayang nangyari kagabi? Hindi kuna kasi matandaan eh. Nagkasakit ba ako? Nahimatay? Inatake bigla sa puso? Na high blood? Eh? High blood? Wala akung high blood no! Teka, nilagnat ba ako ka gabi?

Hinawakan ko ang noo ko. Hindi naman ako mainit? Hindi rin masakit ang ulo ko? Hay! Maka tayo na nga tatanungin ko nalang si Darryn kung anong nangyari sa akin kagabi at kung bakit sya sa kwarto ko natulog.

Tumayo na ako tapos pumunta na ako ng banyo para maghilamos at mag toothbrush nang matapos na ako ay pumunta na ako sa baba para makapag handa ng breakfast. Nang makarating na ako sa kusina nakita ko si Darryn na nag luluto. Naka efron pa ito ng pink at mas lalo syang gumapo dahil naka shirtless lang sya. Omeged!

"Oh kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong nya habang nilalapag nya ang hotdog at egg sa mesa. Bigla naman ako nagutom dahil sa mga niluto nya may fried rice pa s'yang niluto tapos may ham at bacon pa ito at pandesal. Mukhang ang rami naman ata ang niluto nya.

"Ahm, oo okay na ang pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.

"Good then let's eat," sabi nya tapos hinubad nya ang pink na efron sa harap ko din tumambad sa akin ang pinaka masarap na breakfast sa harapan ko ang abs nya. Waaah! Hangin please ang init! Ang init init! Umaga pa nga lang ang init na! Grabi parang pinag damot na yata ng mundo ang hangin ngayon.

"I know I'm hot 'wag munang ipahata." sabi nya habang naka ngisi pa ito ng nakakaloko. Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya at dali daling umupo sa lamesa. Parang ang pula pula na nang mukha ko dahil sa sinabi ni Darryn sa akin. Lecheng abs kasi ya eh! Nakaka akit bwiset!

Nakita ko naman s'yang nag bihis ng plain white t-shirt at umupo sa harap ko. Sayang akala ko hindi na sya mag bibihis gusto ko pa naman sanang makita ang pandesal nya.

"Ahm, ano palang nangyari sa akin kagabi? Bakit doon ka sa kwarto ko natulog?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng egg at ham at inilagay ko iyon sa plato ko.

"May lagnat ka kagabi, hindi mo ba natatandaan?" Anang nya.

"May lagnat ako kagabi? Ah, kaya pala may gamot sa mesa ko." sabi ko sabay subo ng ham.

"Nagiging nurse pa ako ng wala sa oras dahil sayo. Hay, kulang pa ang tulog ko dahil ang taas ng lagnat mo kagabi napuyat tuloy ako." Reklamo pa nya.

Bigla naman akung na konsensya dahil sa sinabi nya at the same time natuwa ako dahil inalagaan nya pala ako. Hindi ko inextpect na gagawin nya 'yun sa akin. Akala ko wala s'yang pakialam sa akin pero heto sya nag puyat pa talaga sya para bantayan ako. Nakaka overwhelm lang sa pakiramdam.

"Thank you sa pag alalaga sa at sorry din dahil nag puyat ka 'wag kang mag alala babawi ako sayo next time." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Nakita ko naman s'yang nagulat at umiwas ng tingin sa akin at hindi na nag salita. Hindi ko na 'yun pinansin at nag patuloy na kami sa pag bre.breakfast. Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa ginawa nya kagabi. Napaisip tuloy ako kung paano ako makakabawi sa ginawa nya.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon