29: Sana

7.2K 198 1
                                    

Dusty Point of View
--

Pag katapos ng pangyayaring naganap sa secret paradise hindi na ako kinibuan ni Darryn. Hindi ko alam kung bakit o anong dahilan nya pero ramdam ko na iniiwasan nya na ako.

Hindi ko tuloy maiwasang mag tanong sa isip ko. May mali ba ako? May nagawa nanaman ba akung hindi nya nagustohan? Dahil ba sa pag halik nya sa akin? Hays! Ang bipolar naman nya, sya na nga tung hinalikan ako sya pa tung hindi namamansin. Urrrggh! Akala ko pa naman na gusto nya na ako kasi hinalikan nya na ako pero mali pala ako. Baka siguro marami lang s'yang nalanghap na masamang hangin kaya't bigla bigla nalang nya akung hinalikan sa mga oras na 'yun.

Iba rin ang trip nitong si Darryn. Nakuha nya na ang gusto nya babaliwalain ka nalang nang di mo inaasahan. Tss!

Monday nanaman at akalain mo 'yun ang dali lang ng araw? Examination week nanamin ngayon hindi pa naman ako masyadong nakapag aral dahil kay Darryn. Ang cold nanaman kasi nya tapos balik masungit nanaman sya sa akin. Naisip ko tuloy na ayaw nanaman nya sa akin, hays! Akala ko okay na kami eh.

Naglalakad ako sa gitna ng hallway ng biglang naisipan ko munang mag facebook ang tagal din hindi ako nakakapag facebook dahil busy ako at wala akung panahon para kalikutin ang cellphone ko. Nagulat ako ng buksan ko ito ang rami ng notification ko 1,980 lang naman tapos 154 friend request. Una kung tinangnan ang notifications ko at laking gulat ko na picture namin ni Darryn ang tumambad sa akin.

Ito 'yung picture na kinaladkad ako ni Darryn papunta sa kotse nya nung saturday may picture pa kami na nag uusap tapos worsed 'yung hinalikan nya ako sa secret paradise. Teka, saan nila to nakuha? Bakit may picture kami nito?

Binasa ko ang caption ng mga picture namin ni Darryn.

Darryn Grey Herdenson is officially married to Dusty Marie Alonzo.

Ayon sa balita nag pakasal ng palihim ang dalawa nung matapos ang acquiantance party.

Biglang nanginginig ang mga kamay ko ng mabasa ko isa isa ang mga comment nila.

She's a bitch! malandi ang babaeng yan!

What? Darryn is already married? omy!

Malandi ang babaeng yan pag nakita ko sya sasabunutan ko talaga yan!

OMG! I'm gonna die my prince is already married with this ugly woman?

Freak! Humanda ang babaeng 'yang pag nakita ko sya. Ang landi, inakit nya talaga ang forever ko!

Arrrrghh! A bicth and slut! What a whore woman dapat sa kanya mawala sa mundo!

Siguro inakit nya si Darryn! O kaya naman pinag bantaan nya para maikasal sila. Desperate woman!

'Yan ang iilan sa mga nabasa ko mula sa picture namin ni Darryn hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na may bumuhos ng malamig na tubig mula sa ulo ko at  maraming tawanan mula sa paligid ko.

"Bagay 'yan sa mga malalanding katulad mo!" sabi ng babaeng nasa harapan ko. Sya 'yung babaeng blondeng buhok na kahalikan ni Darryn sa abandon room sa kabilang building. Tiningnan nya ako ng masama.

"You deserve it slut! Inagaw mo kasi sa amin si Darryn hindi ko alam na kasal na pala kayo? Ano bang technique mo para maakit mo sya? Share mo naman sa amin para maagaw din namin sya sayo." sabi nung babaeng kasama nya. Tinawanan nila ako isa isa dahil nakaka awa na akung tingnan ngayon. Bigla nila akung tinulak dahilan para matumba ako.

"Ano bang problema nyo sa akin?" Inis na saad ko. Tumawa naman ng mapakla 'yung bitch na blonde ang buhok. Kung iko.kompara nya ang mukha ko at mukha nya mas sya ang deserve dito hindi ako. Punyeta! Lalaban talaga ako.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon