51: His company

5K 138 1
                                    

Dusty's Point of view
--

Bakit ganun? Kahit nasaktan na nga ako ng dahil sa'yo pero patuloy parin yung puso kung nagmamahal sa'yo.

"Hay!" nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong hininga sa kawalan habang nakatingin sa malawak na syudad dito sa rooftop kung saan ako naka tayo.

Kanina pa ako nandito mga tatlong oras na siguro akung tambay dito. Kulay orange na ang kalangitan at palubog na ang araw. Pero kahit anong ganda ng tanawin ang nakikita ko dito, parang feeling ko may kakakiba. Parang may kulang?

"Kung hindi ko pa siguro naisipan puntahan ang lugar nato malamang nabaliw na ako kakahanap sa'yo." nagulat naman ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko. Pag lingon ko si Hunter pala. Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa bulsa, bago sya lumakad patungo sa deriksyon ko kung saan ako naka tayo.

"Hunter," mahinang tawag ko sa pangalan nya.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Ano pa bang ginagawa mo dito, mag gagabi na ha? wala ka bang planong umuwi?" tanong nya sa'kin.

Hindi ako sumagot sa tanong nya kasi sa totoo lang ayoko ko pang umuwi. Parang mas gugustohin ko pang dumito muna, kaysa ang umuwi at iisipin nanaman ang bukas na wala sya sa tabi ko.

Parang ang hirap pa kasi, parang na bigla lang ako sa mga nangyayari sa amin. Na parang kailan lang masaya kami tapos maglalaho nalang na parang bula dahil sa isang pagkakamali na hindi inasahang mangyari sa aming dalawa..

"I'm sorry Dusty, I love you damn much."

Naalala ko naman ang sinabi nya sa akin nung singing contest. Masaya ako ng mga oras nayun dahil sinabi nya talaga sa lahat ng tao na mahal nya talaga ako na pinagsisihan nya ang ginawa nya sa akin. Pero kahit masaya ako nun hindi ko parin maiwasang malungkot dahil alam ko sa sarili ko na hindi pato ang tamang panahon para bumalik ulit kami sa dati.

May mga bagay na dapat pag isipan muna. Hindi naman kasi ganun kadali lang ang lahat na babalik na kami sa dati dahil mahal pa namin ang isa't isa.

Hindi ganun 'yon..

"Gusto mo bang sumama? Alam kung ayaw mo pang umuwi. Kilala nakita kaya tara na." nagulat ako ng bigla nyang kunin ang isang kamay ko tsaka ako hinila..

"Teka.. Saan ba tayo pupunta?" takhang tanong ko sa kanya habang hila hila nya ako palabas ng rooftop. Ngiti sa labi lang ang binigay nyang sagot sa'kin.

* * *

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya ng makarating kami sa lugar na tinutukoy nya. Nakita ko naman na nag babayad sya ng entrance fee bago sya pumasok.

"Tara na Marie." sabi nya sa akin pero bumalik ulit sya sa labas ng entrance ng maramdaman nyang hindi ako nakasunod sa kanya.

"Ano gagawin natin dito Hunter?" tanong ko nanaman sa kanya. Hindi pa kasi nya ako sinasagot.

"Nandito tayo para mag enjoy okay? 'Wag kang mag alala ako ang bahala sa'yo. Dating gawi Marie. Remember?" Sabi nya tapos binigyan nya ako ng matamis na ngiti sa labi na nagpaalala sa'kin noong High school palang kami.

Naalala ko tuloy nung depressed ako dinala ako ni Hunter sa lugar nato. At nung panahon nayun parang lahat ng depression na naramdaman ko parang nawala lahat. Napangiti ako ng maalala ko yun. Nakita ko naman si Hunter na nakangiti parin sa'kin kaya pumasok na ako.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon