46: Stalker

5K 147 1
                                    

Dusty's Point of view
--

"Mama sino po tong kasama nyo sa picture? Para kasing pamilyar 'yung babaeng katabi nyo dito eh." curious kung tanong kay mama. Tumigil naman si mama sa paghuhugas ng pinggan tsaka umupo sa tabi ko. Kinuha naman ni mama ang picture at bigla nag iba ang templa ng mukha nya.

Parang may kung anong emosyon ang kumawala sa mga mata nya.

"Ma? Kilala nyo po ba sila?" natulala si mama habang nakatingin sya ngayon sa picture pero di nag tagal tiningnan nya ako.

"Ah ano.. Mga kaibigan ko sila nung college anak." sagot ni mama tapos bumalik nanaman ang tingin nya sa picture. May kung anong hindi maipaliwanag sa mga mata ni mama ngayon.

"Ganun po ba, ma? Eh bakit hindi ko man lang sila nakita ni minsan? Nasan po ba sila ngayon?" okay ako na ang matanong. Eh bakit ba? Pamilyar kasi 'yung babae sa picture. Tapos parang nakita ko na sya di' ko lang matandaan kung saan.

"Anak, patay na sila dahil sa car accident." nagulat naman ako tsaka parang tumaas bigla ang balahibo. Kung ganun patay na pala ang mga ito? O to the M to the G! Baka multohin nila ako? Nako 'wag naman sana.

"Ah, ganun po ba? Bakit po ba sila na aksidente Mama?" Tanong ko uli.

"Nako hindi ko alam. Teka bakit pala nasayo tong picture nato? Saan mo ba to nakuha?"

"Doon po sa table ko sa kwarto." sagot ko kay mama. Hindi na kumibo si mama sabay tayo at pinag patuloy nya na ang paghuhugas ng pinggan. Tumingin sa'kin bigla si mama. May kung anong ibig sabihin ang tingin nya pero ilang saglit lang ay ngumiti sya sa'kin.

Ngumiti naman ako pabalik kay mama kahit na naguguluhan ako. Bumalik ang tingin ko sa picture. Parang may mali eh parang may kung anong hindi tama. Aish! bahala na nga pupunta nalang muna ako sa kwarto ko inaantok ako bigla eh.

Inilagay ko yung picture sa bulsa ko tsaka umakyat sa taas. Nga pala dito kami matutulog ni Darryn nang ilang araw. Nag request kasi sila mama na dito muna kami.

Pumayag nalang kami kasi nangungulit sila sa amin eh. Kaya ayun wala na kaming nagawa.

Nang makarating ako sa kwarto ko, napatakip nalang ako sa bigbig ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pagbabago ng kwarto ko. Nakita ko naman si Darryn na ang laki ng ngisi nya sa'kin habang preteng naka upo sa kama ko.

"Diba mas maganda ngayon kaysa nung una?" wika nito habang hindi parin nya inaalis yung ngiti nya sa labi. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako maiinis o magagalit sa ginawa nya ngayon.

Teka paano nya kaagad nagawa to? May magic ba sya? Tumayo naman sya tsaka lumapit sakin at inakbayan ako.

Curious siguro kayo kung ano ang nakikita ko ngayon noh? Well mga picture lang naman namin ni Darryn ng mag kasama ang naka dikit ngayon sa four walls ng kwarto ko. Kung kanina mga poster pa ng mga bias ko sa Kpop ang naka lagay, ngayon hindi na.

May picture pa sya na solo ang nasa gitna ng uluhan ng kama ko. Grabi talaga sya. Tapos 'yung mga picture frame ko na si Myungsoo ang naka lagay ngayon hindi na. Sya na talaga ang nasa picture frame. Tapos may iba na kami lang dalawa.

Napangiti ako dahil sa inasal nya ngayon.

"Gusto ko kasi sa pag gising mo ng umaga ako agad ang makikita mo. Ayokong ibang lalaki kaagad ang nakikita mo. Dapat ako lang ang nakikita mo sa paningin mo, wala ng iba pa. Kuha mo ba 'yun?" bossy nyang tugon sa'kin. Napatawa naman ako dahil sa sinabi nya. Kikiligin na ba ako?

"Sus! Ano kaba poster lang naman yun eh. Sayang 'yung mga loves ko." sabi ko sabay pout. Eh kasi naman eh sayang kaya 'yung pera at pagod ko don' kakabila ng poster.

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon