30: Confused

6.9K 191 0
                                    

Dusty's Point of view
--

Pag gising ko puting kisame agad ang nakita ko. Hindi ko alam kung na saan ako pero pakiramdam ko pamilyar ang lugar nato sa akin.
May naramdaman akung kirot sa akin katawan kaya naman napa ngiwi ako.

"Oh? Gising kana pala ayos na ba ang pakiramdam mo?" Pumarada ang tingin ko sa kanya. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Gian.

"Gian? Anong ginagawa mo dito? na saan ako?" sunod sunod kung tanong sa kanya habang naka higa ako sa kama. Pinasadan ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. Halos puti lahat ng kisama at ding ding ang nakita ko.

"Nasa clinic ka, dinala kita dito dahil nahimatay ka." He answered. "Hindi mo ba naalala na sinaktan ka ng mga babae kanina bago ka himatayin?" dugton pa nya. Napatigil naman ako dahil sa sinabi nya. Nalala ko na kung bakit ako nandito sa clinic.

"Buti nalang nandoon ako kung di baka pinabayaan kana ng mga babaeng nanakit sayo kanina. Grabi ang sama naman ng ginawa nila sayo ang dami mung sugat, oh. Pag nakita ko sila ulit papatulan ko 'yun kahit mga babae pa sila." Galit ang nakikita ko sa mga mata nya. Were both the same feeling. Hays! Kung malakas lang ako hindi na ako aabot sa ganito.

Nanatili lang akung natahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang dami kong sugat at pasa. Paano nalang pag nakita ako nila mama? Sigurado akung magagalit sila pero wala naman sila mama kaya okay lang siguro.

Ang inaalala ko kung baka gawin nanaman nila ulit ito sa akin, wala pa naman akung panama sa kanila dahil ang dami nila, hindi ko sila kaya. Teka si Darryn? Paano nalang pag nalaman ni Darryn na nalaman na ng buong school na mag asawa na kami baka magalit pa 'yun lalo sa akin. Hindi maari to kailangan may gawin akung paraan.

Bumangon ako sa kama kahit na masakit pa ang buo kung katawan. Pinigilan naman agad ako ni Gian.

"Teka lang wag ka mo nang bumangon baka hindi mo pa kaya Dusty." Aniya sabay hawak sa braso ko para pigilan ako pero hindi parin ako nag patinag kusa parin akung bumangon at tatayo na sana ako ng maramdaman kung masakit ang paa ko. Matutumba na sana ako buti nalang nakahawak ako sa magkabilang balikat ni Gian. Shit!

"Oh, ayos kalang ba? Wag ka kasi munang tumayo hindi mo pa kaya, eh." napatingin naman ako sa kanya.

Ang gwapo naman ng lalaking to! sabi ko sa isip ko pero inalis ko agad ang walang kwentang sinasabi ng utak ko dahil mali ito hindi ito pwede may Darryn na ako, bawal na akung tumingin sa iba.

"A-ayos lang ako, salamat." nauutal kung wika at humiga na ako. Hindi papala ako makakakilos nito dahil sa sitwasyon ko. Paano na ngayon to?

"Magpahinga ka mo na wag mo munang pwersahin ang sarili mo, hindi mo pa kaya, eh." Napa ngiti ako sa kanya. Kundi siguro sya dumating kanina baka dead on a spot nq ako sa mga babaeng 'yun kanina. Akala ko pa naman si Darryn iyong dumating.

Masakit pala talaga ang umasa. Nakaramdamam ako ng pag kalukot ng puso ko dahilan para sumakit ang dibdib ko.

"Salamat pala sa pag tulong mo sa akin Gian." Sensiro kung tugon sa kanya. Mawalak ang ginawad n'yang ngiti sa akin. Siguro kung hindi lang ako in love masyado ng todo kay Darryn. Sinunggaban ko natong lalaking 'to. Buti nalang at loyal ako.

Ang mga loyal daw kasi magaganda at sexy. Haha! Chos! Loyal nga, di naman mahal ng taong mahal nya. Ouch!

"Wala yun, nga pala pag sinaktan ka ulit ng mga babaeng 'yun sabihin mo lang reresbakan natin sila." He assured and I smiled at him.

Medjo nawala kaunti ang pangamba ko kaya tumango nalang ako. Nagpapasalamat ako kasi may tumulong sa aking sa kabila ng sitwasyon ko ngayon.

Third Person's Point of View
--

My Crush, My Neighbor, My Husband?! (Herdenson Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon