Chapter 31

37.7K 681 1.1K
                                    

Note: Hello! Salamat po sa pagbabasa nitong story. Malapit na matapos ang journey nina Dwyne & Yera <3 Nag-e-enjoy po akong magbasa ng comments kaya magparamdam kayo haha. I love you po. 🥹🤍

Chapter 31

Nagising ako na nasa loob na ng kuwarto ni Dwyne. Inalala ko ang nangyari. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Lalo na nang maalala ang salitang binitawan ng lalaking mahal ko.

Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman niya para sa akin. Kahit ako ay nagagalit sa sarili ko. Matagal kaming nagkasama ni Dwyne pero hindi ko man lang pinaalam sa kanya ang totoo. Mas pinili kong manahimik.

Ako ang nagluwal kay Hillary, pero hindi naman ako naging mabuting ina. Nakaya ko siyang iwanan. Kung hindi lang ako kapos sa pera, hindi ko sana nagawa ang bagay na iyon. Mas inuna ko lang naman ang future niya. Bagay na hindi ko mapararanas sa kanya.

Dumako ang tingin ko sa singsing. Marahan kong hinaplos iyon. Hanggang sa unti-unti nang pumatak ang mga luha ko. Parang sinasaksak ng maraming beses ang puso ko.

“Hindi na tuloy ang kasal,” my voice broke. “Hindi na ‘ko pakakasalan ni Dwyne…”

Hindi ko alam kung kaya kong alisin ang singsing. Nangako si Dwyne na pakakasalan niya ako. Nagpaplano na nga kami. Hindi ko kayang tanggapin ang sinabi niya.

Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako. Lalong-lalo na si Hillary. Wala pang naiintindihan ang bata sa nangyayari, pero ipinapangako ko talaga na babawi ako sa kanya. Pupunan ko ang mga pagkukulang ko sa anak ko.

“You're awake…” 

Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Dwyne. Dumako ang tingin ko sa kanya. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya. Pero alam kong mas nangingibabaw doon ang galit na nararamdaman niya para sa akin.

“Nawalan ka nang malay,” muling sabi niya. “Maayos na ba ang pakiramdam mo?”

Hindi ako umimik. Yumuko ako at itinuon ang pansin sa singsing. Naramdaman kong umupo si Dwyne sa gilid ng kama, malapit sa akin. Nakasandal ako sa headboard. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko na nasa akin ang atensyon niya.

“Are you hungry?” muli niyang tanong. “Ano’ng gusto mong kainin?”

Hindi ako sumagot sa mga tanong niya.

“Alam kong galit ka sa ‘kin…” I mumbled. “Kaya huwag kang magpanggap na okay lang tayo…”

Tears fell down my cheeks. “Sigawan mo ‘ko, Dwyne, pagalitan mo ‘ko,” my voice broke. “D-dahil kahit ako, galit na galit sa sarili ko!”

Matapang ko siyang hinarap. Hinayaan kong pumatak ang mga luha ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko nagugustuhan ang pakikitungo niya sa akin.

Galit siya. Galit si Dwyne sa ginawa kong pag-iwan kay Hillary. Ni hindi niya mapakinggan ang paliwanag ko.

Kaya bakit siya umaarte na parang wala lang? Matatanggap ko pa kung sisigawan niya ako. Iyon ang naiisip ko na magiging reaksyon niya sa oras na malaman ang totoo.

Kahinaan niya si Hillary, ang anak namin. Habang magkasama kami ni Dwyne ay nakikita ko kung gaano niya kamahal ang bata. Ni hindi nga siya makatulog sa tuwing may lagnat si Hillary. 

Kahit na pagod siya sa trabaho, mas uunahin niya pa rin si Hillary kaysa ang magpahinga. Gagawin niya ang lahat para sa anak namin. Habang ako na sariling ina, tinalikuran ko ang responsibilidad ko.

Ako dapat ang nasa tabi ni Hillary. Lalo na noong baby pa siya! Kaunting mga buwan ko lang siyang naalagan. Pinilit ko naman na tatagan ang sarili ko, pero hindi ko na talaga kinaya.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon