Epilogue (part two)
#LastPart
“Patahimikin mo nga ang batang ‘yan!” inis na sabi ni Mom. “Sobrang ingay! Nakakarindi na!”
“Sorry po,” I mumbled. “Babalik na lang po ako sa room ko…”
Habang paakyat ng hagdan ay umiiyak pa rin si Hillary. Pagkarating sa kuwarto ko ay inihiga ko siya sa kama at ipinagtimpla ng gatas. Muli ko siyang binuhat at pinainom. Tumahimik na rin si Hillary.
Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito. Nagising ako mula sa coma. Nalaman ko na isang taon akong walang malay. Pero isang araw lang, magiging isang ama na agad ako?
Nakilala ko na rin ang mga magulang ko. Hindi sila maniwala na anak ko si Hillary. Kahit ako rin kaya nagpa-DNA test kami. Lumabas ang katotohanan, na anak ko talaga si Hillary.
Ni wala akong maalala kung sino ang naka-relasyon ko! Wala rin kaming litrato. Bago rin ang phone ko na ibinigay ni Mom. Maliban sa number nila, mayroon pang isa na ang pangalan ay Selena.
“Hillary,” usal ko at marahang hinaplos ang buhok ng anak ko. “Hindi ko alam kung paano ako magiging mabuting ama sa ‘yo, pero lahat gagawin ko para lang mapasaya kita…”
I gently kissed her forehead. “Mahal na mahal kita, anak ko…”
Bawat araw ay wala akong ginawa kundi ang alagaan ang anak ko. Napapansin ko ang pagiging sakitin niya. Kaya palagi kaming nasa hospital. Sobrang nag-aalala na ako para sa anak ko.
Tungkol naman sa gastusin namin, may savings ako. Na ibigay nina Mom at Dad. Hindi ko maintindihan pero nakararamdam ako ng takot sa kanila. Hindi ko mapigilan ang panginginig ko kahit na wala naman akong maalala na nagawa nila sa akin.
Nalaman ko na dalawang subjects na lang ang kailangan kong pasukan pa. Malapit na akong grumaduate ng kolehiyo. Kaya ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Tatlong oras lang naman kaya nakauuwi agad ako. Si Ate Anna na maid namin ang nagbabantay kay Hillary.
Ang problema lang ay maraming plates ang ginagawa ko. Sinisigurado ko muna na nabibigyan ko ng oras ang anak ko bago ko tapusin iyon.
“May bisita po kayo,” salubong ng guard. “Siya rin po ang babaeng palaging pumupunta rito para bisitahin ka.”
Bigla akong natigilan. “Palagi akong pinupuntahan noon?”
“Opo, Sir,” tugon niya. “Ikaw po palagi ang pakay niya rito…”
Nagmadali akong pumasok sa loob. Hanggang sa natigilan ako nang makita ko ang isang babae. Nang dumako ang tingin niya sa akin ay bigla siyang nagtatakbo at sinalubong ako ng yakap.
“I’m back, baby!” She giggled. “Sorry kung iniwan ko sa ‘yo ang anak natin…”
Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang mukha ko. “Hindi mo ba ‘ko naaalala?”
I shook my head. “I-ikaw ang ina ni Hillary?”
“Yes, Dwyne,” naiiyak niyang sabi. “A-ako ang ina ni Hillary. N-natakot akong maging ina sa anak natin kaya iniwan ko siya sa ‘yo…”
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya. Hanggang sa dumating si Mom. Pati siya ay sinasabi na si Selena ang ina ni Hillary. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan.
Na si Selena talaga ang ina ng anak ko
Naikuwento na rin niya sa akin na nagkaroon kami ng relasyon. Na siya ang girlfriend ko. Nagbubuntis siya habang nasa hospital naman ako. Pinaniwalaan ko siya dahil wala talaga akong maalala.