Chapter 14

35.8K 741 1.5K
                                    

Chapter 14

“Yehirah Vience!”

Hindi ko inalis ang tingin sa malawak na karagatan. Napayakap ako sa sarili nang makaramdaman bigla ng lamig, dala na rin sa lakas ng alon. Nakalugay ang buhok ko kaya sumasayaw iyon sa bawat hampas ng hangin. 

Nakasuot ako ng robe. Nasa loob nito ay yellow swimsuit na unang beses ko lang sinuot. Nahihiya pa nga akong suotin. Pero nilakasan ko ang loob ko dahil maganda naman ang katawan ko. Namana ko kay Mama ang maputing balat ko. 

Alam kong mali ang ginawa ko. Hindi ako nagpaalam sa kanila na pupunta ako sa ganitong lugar. May klase ako ngayon pero nandito ako ngayon sa beach. Hindi lang ito ang unang beses na sinuway ko sila. Wala naman silang kaalam-alam sa ginagawa ko.

Ako pa naman ang panganay, tapos nagagawa ko ito. Hindi kami mayaman. Minsan nga ay pinipili ko na huwag kumain ng kanin. Basta may makain ang mga kapatid ko. Hinahayaan kong lumipas ang gutom ko. Kapag hindi ko na talaga kaya ay bibili ako ng tatlong pandesal at iyon ang ilalaman ko sa tiyan ko.

Suwerte ako sa mga magulang ko. Minalas lang kami sa buhay namin. Kahit na magpakapagod pa sina Mama at Papa sa pagtatrabaho, hindi pa rin kami umuusad. Sobrang hirap kumita ng pera.

Naiiyak na lang sila dahil hindi nila maibigay ang buhay na pinangarap nila para sa aming magkakapatid. Aaminin ko na nahihirapan na rin ako. Gusto ko nang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na lang. Para makatulong ako sa mga magulang ko.

Maiintindihan naman siguro nila ako. Sapat na sa akin na makatapos ang mga kapatid ko. Kahit huwag na ako dahil ako ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Kahit ano pa ang trabaho, papasukin ko para lang sa pamilya ko.

“Yehirah, baby,” boses ng isang lalaki. “Look at me…”

Hinanap ko kung saan nagmula ang boses na iyon. Hindi ko alam kung nasaan siya. Nagsimula na akong maglakad habang nililibot ko ang tingin sa paligid. Alam kong malapit lang siya sa akin pero nagtatago lang siya.

“Nasaan ka ba?” tanong ko.

Hindi ko alam kung nasaan siya. Kaya ang ginawa ko ay umupo ako sa buhanginan. Niyakap ko ang mga binti ko. Hindi naman ako nasisilipan dahil sa mahaba kong robe. Para akong batang nagtatampo.

Hindi naman ako ganito. Sinasabi pa ng mga kaklase ko na masungit ako. Lalo na kapag nagsasalita ako. Nagiging ganito lang ako kapag kasama ko ang boyfriend ko. 

“Kapag hindi ka pa lumabas, hindi na talaga kita papansinin!”

Bigla siyang tumawa. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Sa halip na tingnan siya, ibinaon ko ang mukha ko sa gitna ng mga tuhod ko. Naiinis pa rin ako dahil kanina niya pa akong pinagti-trip-an.

Dinala niya ako rito sa beach tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin! Para sa kanya ay nagsuot ako ng swimsuit! Dahil ayaw kong tumingin siya sa iba. Gusto ko na nasa akin lang ang atensyon niya!

“Baby,” he said softly. “Pansinin mo na ‘ko…”

Umiling ako. “Magtago ka na lang at huwag na huwag magpapakita sa ‘kin!”

Humalakhak siya. “Sorry na…”

Inis ko siyang hinarap. “Ano ba ang gusto mo?”

“Sayaw tayo sa dagat?” nakangiting sabi ni Renzel.

Napalabi ako. “Baliw ka ba? Ang lakas ng alon! Tapos magsasayaw tayo sa dagat?”

Umupo siya sa harapan ko, nakatalikod sa akin. “Sakay ka na po…”

I shook my head. “Ayaw ko.”

“Please, baby,” parang-bata niyang sabi. “Akala ko ba, mahal mo ‘ko?”

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon