Chapter 22
“Mahal mo talaga ‘ko?”
Napasinghap ako nang biglang sundutin ni Dwyne ang tagiliran ko. Kanina ko pa siyang hindi sinasagot. Alam na naman niya ang totoo pero sobrang kulit talaga niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na umamin na ako.
Inamin ko na kay Dwyne na mahal ko siya. Hindi iyon isang biro lang. Totoo ang nararamdaman ko para kay Dwyne. Kung iniisip niya na babawiin ko ang sinabi ko, nagkakamali siya.
Hindi na ako magiging duwag pa. Baka kapag inilihim ko pa nang matagal ay manawa na sa akin si Dwyne. Inamin niya pa naman na naiinip na siya sa paghihintay. Pilit niya akong iniintindi.
Baka sa pagiging pabebe ko, tuluyan na siyang maagaw sa akin ng iba.
“Please, baby,” he pouted. “Pansinin mo na ‘ko.”
I sighed. “Bakit ba?”
“Mahal mo ‘ko?”
Mabagal akong tumango. “Mahal kita, Dwyne…”
Napangiti siya. “Really?”
“See? Magtatanong ka na naman!”
Tatayo na sana ako pero bigla niya akong niyakap. Natutulog na si Hillary kaya malaya siya na landiin ako. Nandito kami ngayon ni Dwyne sa living room. Bigla akong nagutom kaya kumuha ako ng strawberry.
Medyo maasim ang strawberry pero nagustuhan ko pa rin. Tumikim nga kanina si Dwyne. Itinapon niya pa dahil sobrang asim. Nagtataka nga siya kung bakit ko nakakayang kainin iyon. Masarap naman sa panlasa ko.
“Sorry na, baby,” malambing niyang sabi at pinatakan ng halik ang balikat ko. “Hindi pa rin ako makapaniwala…”
“Na ano?” I raised a brow.
“Na mahal mo ‘ko,” he mumbled. “Akala ko talaga na ayaw mo sa ‘kin…”
“Sino’ng hindi magmamahal sa ‘yo,” natatawa kong sabi. “Eh, ang lambing mo.”
“So, gusto mo ang pagiging clingy ko sa ‘yo?” aniya at hinarap na ako.
“Minsan ay nakakainis ka na,” pang-aasar ko. “Para kang linta na kapit nang kapit sa ‘kin.”
Humalakhak si Dwyne. “Ikaw naman po, minsan ka lang maglambing sa ‘kin. Mas madalas kang masungit.”
“Pero okay lang ‘yon,” dugtong niya pa. “Future wife naman kita…”
I rolled my eyes. “Mas matigas kaya ang ulo mo kaysa kay Hillary…”
Muli akong niyakap ni Dwyne. Napangiti na lang ako. Ngayong naamin ko na sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko na aatrasan ito. Haharapin ko ang lahat. Basta lang maiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko. Pati na rin kay Hillary.
“Girlfriend na ba kita, Yehirah?” he said softly. “Tayo na ba?”
Mabagal akong tumango. “Girlfriend mo na ‘ko, Dwyne…”
Humiwalay siya sa yakap at siniil ako ng halik. Hanggang sa ipaglapat niya ang noo namin sa isa't isa. Hindi na mawala pa ang ngiti ko. Isinantabi ko muna sa isip ko ang babaeng nagpapadala sa kanilang mag-ama ng mga gamit.
Mahal ako ni Dwyne. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit ko.
“Wala na talagang bawian ‘yan?” paniniguro niya. “Dahil hindi na kita pakakawalan pa…”
Tumango ako. “Hindi ko na babawiin, Dwyne…”
Napasinghap ako nang bigla akong buhatin ni Dwyne, bridal style. Dinala niya ako sa room niya at inihiga sa kama. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Maraming beses niyang hinagkan ang noo ko.