Chapter 23

28.3K 562 696
                                    

Chapter 23

Trigger Warning: Mention of Abortion and Sensitive language.

“Happy birthday, Dwyne…” malambing na sabi ni Selena.

Hindi ko inalis ang tingin kay Selena. She was wearing a red dress that fitted perfectly. Nakikita ang magandang hubog ng katawan niya. Mas matangkad siya kaysa sa akin. Mahaba rin ang buhok niya at aaminin kong nagagandahan ako kay Selena. Mukha siyang manika sa paningin ko.

Lumayo na sa akin si Dwyne at hinarap ang babae. Napansin kong tumingin sa akin si Selena. Nagtaas siya ng kilay, para bang ipinaparating na ayaw niya sa akin.

Sabagay, inagaw ko sa kanya si Dwyne. Malamang na galit ang nararamdaman niya sa akin. Aaminin kong natatakot ako. Lalo na sa reaksyon ni Dwyne nang makita si Selena.

Hindi ko akalain na makikita ko ng personal ang babae. Naalala ko bigla ang pagbanggit ni Dwyne sa pangalan ni Selena. Kung kailan kami na ni Dwyne, saka pa pumasok sa landas namin ang babae.

“What are you doing here?” He asked coldly. “I didn't invite you!”

“I know,” nakangising sabi ni Selena at hinawakan ang mukha ni Dwyne. “That's why I invited myself.”

“Get out!” Tinapik ni Dwyne ang kamay ni Selena. “Hindi ka namin kailangan dito!”

“What?” gulat na tanong ni Selena. “I’m Hillary’s mother! Bakit bawal akong mag-stay sa tabi ng mag-ama ko?”

Dumako ang tingin sa akin si Selena. “Who the the hell are you?”

Napasinghap ako. Humarang si Dwyne sa harap ko. Mabuti na lang ay walang ibang customers dito sa restaurant. Nagpa-reserved talaga si Dwyne para sa birthday niya kaya kami lang ang nandito. Pero nakakahiya sa ibang waiter na nakasasaksi sa nangyayari.

Palaisipan din kung paano nalaman ni Selena na nandito kami. Mukhang sinadya niyang magpakita sa mismong araw ng birthday ni Dwyne. Hindi ako handa na harapin ang babaeng naging mahalaga sa buhay ng boyfriend ko.

“She's my girl—” pinutol ko si Dwyne.

“Nanny po ako ni Hillary…”

Gulat akong nilingon ni Dwyne. “Yehirah!”

Hindi ko pinansin si Dwyne. Pumunta ako sa harap ni Selena at nakipaglaban sa titig niya. Nakikita ko ang galit sa mukha niya. Hindi ako magtataka kung sasampalin niya ako.

“Nanny?” kasunod ang pagtawa niya. “You're just a nanny? Pero nakikipagsayaw ka sa ama ng anak ko?!”

“Selena!” giit ni Dwyne. “I said leave!”

“What? Bakit ako ang aalis?!” singhal ni Selena. “Hindi ba’t dapat ang babaeng ‘yan ang umalis dito? Nanny lang siya ni Hillary! Kaya nararapat lang na nasa labas lang siya at naghihintay! Ako dapat ang mas kinakampihan—”

“She's Hillary’s mother!” Dwyne roared. “Simula nang umalis ka, nawalan ka na ng karapatan sa anak ko!”

“I gave birth to her!” gigil na sabi ni Selena at sinampal si Dwyne. “Tapos sasabihin mo sa 'kin na ang babaeng ‘yan ang ina ni Hillary?! Nakalilimutan mo na ba, Dwyne, na minahal mo ‘ko?”

Napansin kong natigilan si Dwyne. Pinigilan kong maiyak dahil sa nangyayari. Mabuti na lang ay walang naiintindihan si Hillary pero nasa amin na ang atensyon niya.

Gusto kong lapitan si Hillary at ilayo sa lugar na ito. Hindi maganda na makasaksi siya ng ganitong eksena. Akala ko ay puro kasiyahan lang ang mararamdaman namin dahil birthday ni Dwyne pero biglang dumating si Selena at sinira iyon.

Never Let Me Go (Embrace Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon