Summer
Pagkatapos ng klase, nag-aya si Kate na kumain muna dahil maaga pa naman.
"Brea, ang saya-saya nung birthday mo last week, 'no?" sabi ni Kate, na may ngiti sa kanyang mga labi habang nagbabalik-tanaw sa nangyari.
"Oo, sobra. Ang laki na nga ng pasasalamat ko sa pamilya nila," tugon ko.
"Tas yung 18 Roses, sobrang nakakakilig! Especially nung sinayaw ka ni Aiden, grabe yung mga tingin ni Aiden sa'yo habang sinasayaw ka. Alam mo yung parang may pinapahiwatig?" dagdag ni Kate, halatang kinikilig nga.
"Kung ano ano nanaman iniisip mo," sabi ko, nagtawanan kami.
"Ay sinasabi ko sayo meron talagang something," sabay ngiti ni Kate.
Hindi na ako sumagot at hinayaan ko na lang siyang magsalita ng magsalita hanggang matapos kaming kumain.
"Next week nga pala, summer vacation na natin. Anong plano mo?" ani ni Kate.
"Ewan ko rin siguro sa bahay lang ako," sagot ko.
"Wala bang plano ang mga Millers?"
"Kung meron man, nakakahiya naman sumama baka maghirap pa sila dahil dadagdag pa ako," sagot ko, na nagulat nang bigla siyang tumawa.
"Maghirap? Never atang mangyayari 'yan. Hindi mo ba alam kung gaano sila kayaman?" sabi ni Kate.
"Hindi lang ba sila financially stable?"
"Of course not. They're the wealthiest in our area. They own tons of property. Asher Miller is a doctor, and the hospital where he works is owned by their family, with their dad managing it. Our school is also theirs, and their grandfather is the president of the school. They also own a perfume business with lots of branches around the world," Kate explained.
"Ganon sila kayaman!?" sabi ko, nagulat sa nalaman ko.
Tango lang ang sagot niya.
"Pero hindi naman sila yung tipo ng tao na ipagmamalaki yung kayamanan nila. Sobrang down-to-earth nila," dagdag ni Kate.
Napatango lang ako, hindi makapaniwala sa nalaman ko. Talagang hindi ko akalain na may ganoong antas ng kayamanan ang pamilya ng Millers.
Summer came.
Habang pababa sa hagdan, naabutan ko sila sa sala na nag-uusap.
Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Kate tungkol kay Aiden kaya hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Bumalik lang ako sa wisyo nang tawagin ako ni Tita Alisa.
"Brea, may swimsuit ka ba?" tanong niya.
"Wala po, para saan po ba?" sabi ko.
"Right, hindi pa natin nasasabi sakanya," sabi ni Kuya Andre.
"Brea, every summer kasi palagi kaming pumupunta sa beach house namin sa Batangas," sabi ni Austin.
I smiled as Austin described their family's traditional summer getaway, listening intently to his description.
"Bukas ang alis natin kaya mag-impake ka. Tatagal tayo doon ng 3 weeks," sabi ni Aiden.
"May mabibilhan naman na swimsuit doon kaya doon nalang tayo bumili," dagdag niya.
"Okie," sagot ko, puno ng excitement ang aking nararamdaman. The idea of a summer getaway at the Miller's beach house filled my heart with a unique sense of joy and excitement.
YOU ARE READING
Where I Belong
RomanceAs Brea settles into her new life with the Millers, despite feeling like an outsider at first, wIll Brea gradually find solace in the embrace of the Miller. Through heart warming moments of laughter, tears, and shared experiences, Brea finds the di...