Kabanata 15

29 0 0
                                    

Jealous

For 2 days, nanatili ako sa kwarto at sinasabi na masama ang pakiramdam ko kapag ina-aya nila ako. I was looking out the window when my phone rang. It was Kate who was calling.

"Breaaaaa, I miss you!!!," bungad niya pagkasagot ko.

Kailangan ko pang takpan ang mga tenga ko dahil sa ingay niya.

"Hoy, babae, asan ka? Bakit hindi beach ang nakikita ko?" tanong niya sa akin.

"Nasa kwarto," sagot ko.

"At bakit? Anong oras na ah? Dapat nasa beach ka nagsi-swimming," sabi niya.

In-explain ko sa kanya kung bakit ako nagkukulong sa kwarto, pati na rin ang tungkol sa pagdating ni Xyrene, habang siya'y parang baliw na tawa ng tawa.

"Nagseselos ka ba?" tanong niya. "No, let me rephrase that. Nagseselos ka, sure ako."

"Hindi, no. Wala lang talaga akong ganang lumabas," sagot ko.

"Friend, wag ako. Hindi ako madaling maloko."

"Bakit hindi mo nalang tanungin kung may jowa ba si Aiden?" dagdag niya.

"Ano ako, baliw?" sabi ko.

"Kaysa nagmumukmok ka diyan, tapos pasimple mo lang naman itatanong," sabi niya.

Umabot kami ng dalawang oras sa pagkukwentuhan. Kung hindi pa siya tinawag ng mama niya, baka hanggang ngayon hindi pa rin kami tapos.

Kinabukasan, nagpasya akong sumama sakanila mag island hopping.

"Are you feeling better now?" tanong ni Aiden pag ka baba ko

"Yes" I answered.

As we boarded the boat and headed towards the first destination for island hopping, I couldn't help but notice Xyrene's closeness to Aiden. I blinked, feeling any excitement I had slowly fade away.

Ngunit bigla akong sumigla nang si Aiden mismo ang lumapit sa akin upang alalayan ako pataas ng bangka.

Nang makarating kami sa unang destinasyon, napaligiran kami ng kahanga-hangang tanawin. Ang puting buhangin at ang malinaw na asul na dagat ay nagbibigay ng isang nakakaaliw na paningin.

Nangpalubog na ang araw, napagdesisyunan namin na bumalik na. Nang kami ay bumaba mula sa bangka, bigla akong nagulat nang makita si Xyrene na biglang natapilok.

Agad siyang dinaluhan ni Aiden, na siyang pinakamalapit, at tinanong kung okay lang ba siya.

"Are you okay?"

"I think I sprained my foot. Pwede mo ba akong buhatin pabalik sa beach house?"

Ngunit sa halip na buhatin siya, tinawag niya si Kuya Andre. Napataas ang aking kilay sa kanyang kilos.

"Kuya Andre, can you carry Xyrene? My arms hurt," sabi ni Aiden, habang hawak ang kanyang kamay.

Kailan pa sumakit ang kamay niya? Pero okay na yun, atleast hindi siya ang magbubuhat kay Xyrene.

Pagkabuhat ni Kuya Andre kay Xyrene, lumapit si Aiden sa akin.

"Bakit masakit ang kamay mo?" tanong ko.

"Bigla lang siyang sumakit."

Kahit nagtataka, hinayaan ko na lang siya at hindi na nagtanong pa.

As we walked, I couldn't help but think about my conversation with Kate yesterday. Even though I wanted to ask Aiden about it, I really couldn't. It's embarrassing.

 

Where I BelongWhere stories live. Discover now